Everything about the way you look is just perfect to me. The shape of your head, the shape of your face, your haircut, your clean-cut look, the symmetry of your features, your flawless skin, your beautiful eyes, your height and build..and I can go on and on.
There, I just need to let it out.
Well...as if I have been keeping my fangirl-ing a secret-- ang totoo, nakukulili na ang mga katrabaho ko sa akin. Paulit-ulit lang naman ang monologue ko--- "Ang guwapo ni P!". Actually, hindi ko napapansin. Until our director mentioned it tonight. Hahaha. Malala na ito. Dapat na ba akong mahiya? Para akong 16! Kasi ang guwapo mo! I have this character in my head. Pwede bang mahiram ang itsura mo para sa kanya?
Ang weird. Para akong sinaniban ng kung ano. Wala pa namang dapat ikatakot ang hubby ko. Sounding board ko pa nga sya (same dialogue-- "ang guwapo ni P". Hah. Profound, 'teh!). Interesting, cause exactly one year ago sounding board ko din si hubby while I was fangirl-ing over another guy. Same lines, same feelings, different person. Different character, different show.
Ganun yata talaga. Kelangan sa trabaho? Kelangan ng muse? Kapag romance ang sinusulat, kung sinuman ang bida, crush ko siya. May tawag ba sa ganitong syndrome? Whatever. Basta natutuwa ako pag nakikita kita. Kung naglilihi man ako, SANA lumabas na maging kamukha mo ang anak namin, kung boy siya!
Waah. I'm just... happy. Your face makes me happy, the way Keanu's face did, 20 years ago. Ang lakas makagood vibes ng pagiging fangirl. A natural upper.
syempre, ganito lang ako kapag kami-kami lang. pero kapag kaharap ka na...hindi ko yata kaya. at hindi yata dapat. at kahit naman pwede, hindi ko rin gugustuhin. kahit nung single pa ako, never kong pinahalata sa kahit sino na crush ko sila, kahit gaano man kababaw. Core na yun ng pagkatao ko, hehe.
okay na ako na tingnan ka. ayoko nga yatang kilalanin ka. baka madisappoint lang ako, masira ang buong ilusyon. just maintain your beauty. I'll fill in the gaps.