Kapag may negosyo ka, bawal ang tamad.
Kasi pag tamad ka, or even ningas-kugon, or kung kelan lang may gana saka kikilos, hindi maggogrow ang negosyo. Baka mawala pa sya.
Para syang pagiging hands-on na nanay sa isang anak. Lagi mo syang iniisip, 24/7. Kaya importante talaga na yung negosyong papasukin mo, mataas ang passion mo for it. Driven ka talaga to succeed in it. It's what will get you through those "tamad" times, those times when you crave for more sleep, more rest, more tunganga/rest time. Your passion will get you past those cravings of the flesh and stay focused, to stay disciplined.
Isa pa, kapag may negosyo ka, kailangan matibay ang loob mo. Dahil ang problema, laging susulpot. In various degrees of kalalaan. Minsan may lugi. Minsan may reklamo ang kliyente. Pag didibdibin mo everytime, pag maga-unravel ka emotionally sa bawat problemang dumating, paano na? Kailangan matibay ka. Harapin ang problema, hanapan ng solusyon, and charge to experience. Para hindi na maulit.
Lastly, and this I got from watching this Kdrama Itaewon Class--- kapag may-ari ka ng negosyo at may mga tao ka, mas importante ang pagiging makatao sa mga tao. Lalo na kung pamilya mo sila. Hehe. Dalawa lang naman ang kasama ko sa maliit na negosyo-- ang nanay at kapatid ko. We are not perfect people, not even me. Booboos will happen. Oversights will happen. Tiredness, exhaustion, personal problems will happen. Grabe ang pagmamahal ko sa negosyo namin, pero note to self ko na mas mahal ko ang mga taong kasama ko. Lalo na dahil sila ay nanay at kapatid ko. Mas importante ang physical and emotional well-being nila. Importante that I be fair and reasonable and considerate about their needs. Dahil walang negosyo na kinakaya ng iisang tao lang. At ang negosyong nagtatagumpay at the expense of people's well-being is not a business worth pursuing.
So ilang beses na akong nagpapraktis maging negosyante over the years. Little businesses online, since 2013. Pero late 2019 lang talaga ako nagseryoso sa isang negosyong pangarap kong palakihin as a brand balang araw. And because I dream of that for this business, kelangan fulltime. Kelangan tutok. Kelangan masipag 24/7, never lose sight of the big picture and the end goal, at dapat tibayan pa more ang loob. Kasi kung meron mang makakasira ng araw ko these days, it's when something not so good happens na related sa business. That's my greatest vulnerability right now--- this thing na para ko nang anak na sobrang mahal ko.
More learnings:
Clients should stay happy. Kahit mawalan ka ng kita for one transaction, kung kelangan mong mag-abono para hindi maramadaman ng client na diskumpyado sya o unfair ka sa kanya, do what it takes to compensate.
Basic na dapat maganda ang product mo. Pero Marketing is VERY important too. Kahit gaano kaganda ang product mo, kung hindi alam ng mga tao na it exists, sayang. Kaya 60% of my business-related activities everyday, nakatuon sa Marketing. Wala naman ako malaking budget for it, just internet, free apps, and the occasional sponsored ads on FB and IG. Every now and then, promo sa mga clients with discount vouchers if they help market the product. Pero I keep thinking of ways to get my products out there. That's what keeps me up at night. HOW DO I GET THEM TO BUY MORE? WHAT ELSE CAN I DO?
Ang hirap mag-accounting. HUHU. I wish the day will come when I can afford to focus on the business and nothing else. Para pati accounting maharap ko. kasi ang dami talagang iaaccounting everyday.
Pero hindi ako nagrereklamo. I can run this business and have my dream job at the same time. Pangarap ko yan talaga, Lord. Sana, Lord. Sana ikayaman namin pareho.
No comments:
Post a Comment