I just turned 40 last April 25! Wow. Dati 14 lang ako.
Happy and grateful. And proud. Kasi dahil maliit akong babae, at bilugan ang mukha at (EHEM) pumayat na, hindi pa ako mukhang 40. Mukhang 39, ganern. Haha.
And this year, I feel, is when my life will REALLY, TRULY begin. So much hope in my heart. In two specific aspects of my life. So much to look forward to in the future.
Despite what's been happening. The COVID scare. The uncertainties. This worry and fear and anxiety that we all share. There's hope in me. Kasi si God ang nagdidirek ng buhay ko. Ng buhay nating lahat. Si God ang nago-orchestrate ng mga bagay bagay, He decides when things will come at the right time, what challenges to give us, and I believe He gives us only the challenges na kaya natin. With faith. With prayers. With hope.
Yung mga challenges na hindi natin kaya, may ibang reason kung bakit Nya ibinigay. Not just for our benefit. Siya ang nakakakita ng big picture. Kaya yung mga challenges na dumarating na hindi natin kinakaya at nabibigo tayo... hinahayaan nyang mangyari because it will eventually be for the greater good.
I'm just grateful na so far, sa 40 years na inilalagi ko sa mundo, napakabait ng Diyos sa akin. Sana huwag syang magsawa. Sana walang mahihirap na challenges na hindi ko kakayanin. I promise to give back. To pay forward. In return. I promise to keep praying. To keep believing.
So ang anak ko, mas malungkot pa kesa sa akin, dahil 40 na daw ako. "Matanda" na daw ako. Aray ko naman anak! HAHA! Siguro takot syang mamatay na ako agad, chos.
Yung totoo, ang daming gagawin for today. Kahit Sunday. Kahit ECQ. Pero nagsusulat ako dito. Kasi namiss ko 'to. Kahit andami nang ways para magexpress at magkwento. Sa FB, IG, Twitter, even messenger sa mga kaibigan. Namimiss ko pa rin mag-essay writing. HEHE.
Just want to say Thank You, Lord. For my first 40 years. May my next 40 years be even more meaningful, more productive, by Your grace. For Your glory. Ang dami ko pang pangarap, Lord. Alam Nyo po yan. At Kayo lang po ang makakapagpatupad ng lahat ng iyon, kaya sa Inyo ako magdadasal, imbes na magbirthday wish sa cake na may kandila. I pray that I may get to keep all the good things in my life that I already have. And I pray too, that I may get to have what I have been hoping to have, starting 2020.
Please, Lord. Thank You so much. Life truly begins at 40!
No comments:
Post a Comment