Friday, October 17, 2008

parang de ja vu

dahil i'm back in the same internet shop again, during tengga time.

thank god for this day. hindi pa sya matatapos pero i'm praying na sana mabilis na lang lilipas ang oras. at magugulat na lang ako bigla na packup time na pala.

officially, matatapos daw ang pelikula ng october 25. 8 days away. malapit na lang yun. 8 days na lang!

Thursday, October 16, 2008

inside an internet shop at dinner break...

...dahil isang linggo na yata akong hindi nago-online.

paborito ko ang araw na ito. for one wonderful reason.

i thank god. for answered prayers. and i keep praying that my prayers will continue to be answered, with each day.

* * *

10 days na lang. or less. sana less. i can't wait to go back to my life again.

minsan hindi mo alam kung anong gusto mo, pero alam mo kung ano ang ayaw mo.

* * *

i really should go back now. baka bumalik na si direk. pero isa na lang. lalo kong naaappreciate ang home and family sa mga panahong halos di ako mapirmi sa bahay. sa mga panahong stressful at haggard ang work schedule.

namimiss ko na ang pusa kong si keanna.
namimiss ko na ang meals kasama ang mama at papa ko.
namimiss ko na ang mahahabang dates namin ni osobear.
namimiss ko nang mag-makeup.
namimiss ko nang mag-ayos at magbihis ng hindi pang-shooting ang outfit.
namimiss ko nang chumika with friends.
namimiss ko na ang kama ko.

pero di bale. 10 days na lang. at malaya na ko.

Saturday, October 11, 2008

little miss sunshine

may mga taong sadyang pinanganak na positibo ang tingin sa mundo at sa buhay. siguro, nung pinapanganak sila, kasabay sa pagsikat ng araw, kaya yung sunrays nag-seep in sa kaloob-looban ng pagkatao nila.

siguro pinanganak ako na palubog na ang araw. kaya kung may mga little miss (and mister) sunshine, ako si little miss sunset. nag-aagaw ang night and day, ang optimism at pessimism. pero malamang 5:59 pm na nung pinanganak ako dahil laging natatalo ng dilim ang liwanag.

tulad ngayon. naiinis ako dahil lagi na lang kaming last two weeks before packup. LAGI NA LANG. extend ng extend ang p***** project na to. kaya minsan ayoko nang magbilang. pero nagbibilang pa rin ako.

si little miss sunshine, iisipin siguro, LAST TWO WEEKS NA LANG!
ako, iniisip ngayon, LAST TWO WEEKS PA.

gusto ko nang magka-life.

nabubwisit din ako. dahil konti na nga lang ang free days ko, kailangan pa ding magtrabaho.

si little miss sunshine, will cheerfully carry on the job til completion. hindi sya magba-blog, dahil sayang ang oras.

ako, i grumble. i grow to hate my job even more than i already do. at magba-blog ako para maglabas ng sama ng loob.

kasi gusto ko ng ibang life. ng ibang job. ng ibang state of mind.

ang masaklap dun, 70% of the odds of me getting those three things will all have to depend on me. for now, i have no other choice but to hack my way through the last (POTAH, SANA LAST NA NGA) two freakin weeks.

Sunday, October 05, 2008

reality bites...again.

an old college friend messaged me on facebook today.

tinatanong nya kung bakit daw ako kumekembot sa primary pic ko. haha. malungkot ako lately, pero natawa naman ako dun. narealize ko din kung gano ko na-miss ang college friend kong to. ang college friends ko, na iilan na lang ata ang in touch ako ngayon. ang college, na isang malaking kanlungan, kumpara sa totoong buhay ngayon.

until today, she has been out of touch. i didn't know why, and the praning in me started thinking that she didn't want to be friends with me anymore. kababawan mang maituturing pero sinisisi ko ang sarili dahil minsan sa isang honest heart-to-heart talk nasabihan ko sya na mag-undergo ng "makeover". feeling ko nasaktan ko sya. yung tipong sakit na kahit alam mong well-meaning ang nagsabi sa yo, magnu-nurture ka pa rin ng sama ng loob sa kanya.

ang babaw naman kung ganon, kung yun ang rason. naisip ko din na siguro dahil nag-iba na talaga ang career paths namin. nag-stay ako sa showbiz habang sya, nag-akademya. hindi nya pinursue ang pangarap na sabay naming hinabol-habol nung college. it happens. friends drift apart because of time and space. parang labers yan, di ba. wow labers. haha.

tapos, here she is. nagpaparamdam lang daw. perfect timing. namiss ko silang lahat. sa punto ng life na ito. sabi ko, may crisis ako. ayoko na sa showbiz. at sagot nya, relax ka lang, don't worry too much. andito lang kami for you.

i'm not worrying, girl.
well, it's not the dominant emotion.
i'm just looking to find my place elsewhere. but i'm clueless kung saan.

dati puno tayo ng dreams, siguro mas napaaga lang mamatay yung sa yo. pero next time magkita tayo the first thing i'll tell you is namatay na rin yung akin.

nung una iniyakan ko, pero ok na ko ngayon. tanggap ko na. pwede ko pang buhayin pero para saan pa. aakyat ka ng bundok pero may assurance ka ba na worth it ang makikita mo from the top?

from the looks of things, not it. not for a living. not in this lifetime.
i'd rather look for a living elsewhere.
baka nga smart ang move mo ang mag-akademya. dahil ang showbiz, nakakasarado ng utak. nakakapurol ng isip. nakakamatay ng maliit na tao sa loob mo.

bukod pa sa toxic sya sa kalusugan, nakakamatay.

* * *

thank you lord.
i will not tire of thanking you every day. i believe. i know. that you are always there, everyday.

by hook or by crook, october 17 will be my last day.

prayers

lord, i pray that the next two weeks will come and go as fast as possible.
sana, dumating na ang last day nang halos hindi ko namamalayan.

i pray, too, that you would help me survive every single day of the next two weeks. with work still done, with grace and a poker face, with an armor that will protect me from all sources of anxiety. because, at the end of every shooting day, it is still the work that matters. i am there for the work. kahit hindi ko na nakikita ang sarili ko na patuloy pa ring gagawin ang work na ganito in the future.

i pray, lord, that you would help me find a good place. a place where i can live life, be happy and fulfilled. for the meantime, though, i wish na matapos na to. at ang bawat araw that i will have to live through, may blessing nyo. may guidance nyo. may justice na galing sa pagbabasbas nyo.

lord, sana paggising ko bukas, october 17 na.

* * *

things to do when this is over:
1. get a haircut.
2. get a rebond. (hmm...optional)
3. reclaim my old complexion.
4. get an out of town vacation.
5. think about future options.
6. meet up with friends.
7. make it up to osobear.
8. treat myself to a not-so-expensive trip to the mall.
9. go to church to thank god that it's over.