Saturday, January 20, 2007

a happy kind of trauma

January 10, 2007.

windang ako. sa current life, as i know it. dahil sa isang project na pinapaspas naming tapusin in time for a nearing playdate. dahil ambilis ng mga pangyayari araw-araw. sobrang bilis, wala ka nang time matulog. one week ago nasa tagaytay kami. five days, walang uwian. twentyone hours of labor everyday, three hours of sleep in between. twentyfour hours ago nasa boso-boso (na naman!) kami, at first time nangyari sa tanang career ko as film laborer na halos di ko na maidilat ang mga mata ko sa sobrang antok, keber na kung nagro-roll ang camera. toxic! fantastic!


in a matter of ten hours fly naman kami to bolinao, pangasinan. ehe. kumusta naman yon? hindi pa nga ko nakaka-recover sa sunod-sunod na araw ng puyatan. di ako nagrereklamo, masaya naman e. kaso nakakapagod talaga. babawiin mo na lang sa pagkain. at yosi. at chika with your fellow slaves-of-the-mainstream. masaya talaga pag hindi sagabal ang pagod at antok.



malungkot ako dahil pagbalik ko galing tagaytay, nawawala ang pusa kong si monique. siguro akala nya hindi na ko nakatira sa amin, dahil hindi na nya ko nakikita, at naghanap na sya ng ibang amo. huhu. nasa tabi-tabi lang siguro yon pero wala kong time karirin ang paghahanap sa kanya. bahala na kung bumalik sya. kung babalik sya, ibig sabihin, para sa kin sya talaga.


monique ko, bumalik ka na. miss ka na ni mommy. :-P


12 noon na. kissing the world goodnight in time for the 10pm pullout tonight. excited ako sa beach location sa bolinao, pero hindi ako excited sa ngaragan at puyatang magaganap in the next seven days. pero ok na rin yon, i don't mind. kung beach ba naman ang magiging workplace mo, aba eh bring it on. mahaba nga lang masyado ang 7 days, but that's worth everything i'll have to sacrifice in favor of the adventure.

so help us god!


January 20, 2005.

Nakabalik na ko galing Bolinao. Actually, tatlong probinsya ang dinayo namin sa loob ng limang araw. From Pangasinan to Zambales to Tagaytay, same old sagaran shoot from sunrise to sunrise the next day. Kung nakakawindang ang 5-day Tagaytay shoot, hindi ko na alam ang maitatawag dito. May mga araw na natutulog na lang kami sa biyahe papunta sa next location at nakikiligo na lang sa kung saan.

Pero masaya. Marami akong maaalala. Marami akong dadalhing memories from this shoot. Like the turquoise-water beaches of Bolinao. The view of Pangasinan from a 300-feet lighthouse. Being alone in that same lighthouse with Richard Gutierrez (haha! proud ako). Being alone in a rowing rubber boat with Richard Gutierrez (yes, proud pa rin ako--nagpa-picture pa ko, hehe). The long journeys from one province to another in the van-that-became-our-mobile-bunk. Cinematographer Miss Marissa, Assistant Director Linnet, Gaffer Kuya Rico, 1st AC Kuya Monching, and the happy "clique" that we became. The jokes, the jibes, and how being together in the same mobile setup for five days made us closer friends.


Hindi pa kami tapos. May isang natitirang araw pa. Low-batt pa rin ako pero kailangan pa ring gumo-go-go. Nakabalik na ko sa Manila pero parang may lag pa rin ang utak ko. Ewan. Is there such a thing as a happy kind of trauma? Siguro eto na yon.

Hay. Nawawala pa rin ang pusa kong si Monique. Marami pang dapat lagariin sa mga naiwang projects. Tunog reklamo, alam ko, pero happy ako sa ganitong pacing ng buhay. Thank you Lord. Fast intense times usually leave the best memories.

Sige pa, bring it on! :-D

1 comment:

zelle said...

di ba mas ok na ang maraming ginagawa kasi pwede kang magpahinga kesa sa walang ginagawa...di ka makapagpahinga?! :P

ganda ng light house ah! excited ako sa movie na yan...papanoorin ko talaga!

sige kayod pa! :)