9 pm.
3 hours na lang, 2007 na. if it weren’t for the past twenty-four hours I would’ve normally been on look back/look forward mode. Pero ngayon, nakatuon lang ang isip ko sa nangyari kahapon at mangyayari ngayong gabi. Ang chaka, kasi para san pa ang sandamukal ng “Happy New Year” text messages na sinend ko sa lahat ng pangalan sa phone directory ko kung saslaubungin ko ang bagong taon nang lugmok.
ah! i don’t like this feeling. precisely why I’ve always tried playing safe. ayokong magsimula ang bagong taon nang bad trip!
so I figured that one way to get me back into blithe spirits would be to recall my 2006. masaya kasi ang 2006 ko, even better than my 2005. my ideal kasi is that every year that comes would turn out better than the year came before it. kaya sobrang pasasalamat ko ke Lord na naging memorable at adventurous ang taong magpapaalam na.
11 pm.
happy na ko. hindi ko pa nasusulat ang yearly personal Yearender review ko but i'm out of the rut already. thanks to external factors which are not within my control and i'm bothered, because i hate it when i have to rely on external factors to make myself happy. i hate it when i'm vulnerable to other people.
even so. isa--o dalawa--sa mga rason kung bakit happy ako ay dahil nag-reply sina Frog Princess at Direk sa Happy New year text msgs ko. haha!
1 am.
2007 na! the household celebration was predictably the same, pero masaya pa rin ako because my father is with us this year (he works abroad kasi).
Masaya din ako kasi for the first time at the dawn of a new year (haha! cliche), may malaking pagbabago sa buhay ko. Pero sa ibang araw ko na lang ikukuwento yon, hilaw pa sa isip ko ang mga pangyayari (di ba nga, delayed ang appreciation ko ng mga bagay-bagay). For now, before I do my annual looking back/looking forward thingie, let me tell you about my current relationship with my two cats, Monique and Aleli.
Nakuwento ko na dito sina Monique at Aleli. Monique is my beautiful black cat. Mahal na mahal na mahal ko ang alaga kong to. Ideal ko sya! Bago dumating si Monique sa buhay ko, alaga ko na si Aleli. Si Aleli, simple lang. typical “pusakal”, ika nga ng kaibigan kong si Monjcity. Malayo sa ideal cat ko si Aleli pero dahil sya lang ang nag-iisang pusa noon sa bahay, special sya. Until Monique came along.
Nang dumating si Monique, yun nga, Aleli was inadvertently relegated to the background. Pero alaga ko pa rin sya. Mahal ko pa rin. Iba nga lang ang lebel ng pagmamahal na binibigay ko kay Monique. Habang tumtagal, though, nagiging malinaw sa kin ang difference sa ugali ng dalawa. Gusto ko ang aloofness at laidback grace ni Monique, pero mas gusto ko ang pagiging malambing ni Aleli. Pag niyayakap ko sya o kalong ko sya, hindi sya umiiwas tulad ni Monique. She even cuddles up to me when she feels like it. Naiintindihan ko naman ang temperament ni Monique and at hindi nabawasan ang pagiging special nya sa mga mata ko, pero masarap din pala pag nararamdaman mong appreciated at reciprocated ang affection mo. to a certain extent.
Na-guilty tuloy ako sa ilang linggo ring pagiging unfair “mommy” ko kay Aleli. Hindi naman nya kasalanan na hindi sya ang Ideal Cat ko. Kaya ginawa kong isa sa mga (unofficial, off-the-top-off-my-head) New Year’s resolutions ko ang pagbigay ng equal treatment sa dalawa kong pusa. Just because nahanap ko na ang Ideal Cat ko in flesh-and-blood doesn’t mean hindi na ko pwedeng magmahal ng iba. Minsan kasi, yung mga pusang katulad ni Aleli, sila pa yung makakapagbigay ng appreciation at affection na hindi maibibigay ng mga pusang katulad ni Monique. In an imperfect world, the ones you fervently love to a fault don’t always give you the same amount of love that you give them, and the ones whom you may not love as much will give you more love than you would expect of them. At least. May hustisya pa rin, di ba?
Hay. i'll do my Yearender next time, maybe tomorrow. for the meantime, Happy New Year to you, passing reader!
No comments:
Post a Comment