Wednesday, July 09, 2008

ibigay nyo NA!!!

hay. ang daldal ko kasi, nabuyag tuloy.
indefinitely postponed ang baguio work-related trip.
pero syet, ibigay nyo na sa kin. IBIGAY NYO NA!!!

it's the only way i could ever find the smallest fulfillment in this mundane thing we're doing.

* * *

IBIGAY NYO NA RIN ang natitirang sweldo namin sa project RR. parang awa nyo na. malaking ginhawa yon if it reaches my hands. it will give my mom something that would bring a smile to her face.

may meeting with the bosses daw sa thu o fri. Serendra, The Fort. soshal. kung yung ipang-aalmusal don eh ipambabayad na lang sa mga tao e di sana mas maraming masaya. pero flattered ako. kasi ako lang yata ang sinama na hindi bossing. on the other hand ibig lang sabihin non ako ang magiging sekretarya sa meeting (buti na lang bumili na ko ng bagong pilot sign pen). sana yung AD na lang ang inimbayt, tutal sya naman ang AD. ang layo kaya ng bahay ko sa bwitreng Da Fort, at alas-9 ng umaga noh!

pero wow, ano kayang magiging almusal sa Serendra? for sure it would beat the usual tuyo and pritong itlog na hinahain sa min sa mga shoots.

* * *

i long to travel, to go to a new far-off place.
hindi ko na kinagat yung tour daw ng short film namin ni dennis, for some reason. kasi unahan daw ang mga filmmakers sa pag-sign up. wala ako sa competitive mood noon. at kung sakali mang magka-slot for me, wala din ako sa mood na dumaldal tungkol sa pelikulang yon sa harap ng maraming tao. two years ago na kasi, nakalimutan ko na nga kung ano bang tema at tungkol ba sya saan, baka magmukha lang akong hindi alam ang sinasabi.

gusto ko ng bagong lugar. yung may beach, o yung malamig. sosyal lalo kung may snow. haha. pero yung bisita lang. hindi magtatagal. at yung ako pa ang babayaran for going there.

o pwede din na hindi ako bayaran, basta hindi lang ako gagastos.

* * *

nung last taping day, nasa nasugbu kami. walang beach. mas tagaytay yung feel nya. ang lamig nung gabi. dahil wala naman akong ginagawa pag nagsesetup sila, ninanamnam ko na lang yung malamig na hangin. sarap!

me gagawin pala si erstwhile Favorite Direk na pelikula this july. naka-oo na ko na magko-continuity, kaso rival company pala ng so-called Home Studio yung magpo-produce. no no pwede. di ko alam kung pano ko sasabihin na hindi na ko makakasama. kakahiya kasi.

tsaka kung IBIBIGAY NILA yung gusto ko sa reality show, mas pipiliin ko yon. malamang for the whole month of july ang tapings, might even stretch to august. kaya please, IBIGAY NYO NA!!!

* * *

nag-text back na yung field cashier. wala pa daw yung sweldo sa project RR, hanap pa daw funding. pffft. hay. napakamundane ng mga pinagsusulat ko dito. na-miss ko lang mag-rant sa mga walang kawawaan.

No comments: