Friday, July 04, 2008

tita shirley

nakadilat na daw si manong. :-)
pero nakakamangha yung balitang 27 minutes daw syang declared dead, tapos bumalik sya. hindi ko alam kung out of danger na sya ngayon, but i'm maintaining my hopes that he will be truly safe.

hindi kami close, pero somehow na-bother talaga ko sa nangyari sa kanya.

* * *

someone sent me news on my multiply tonight that shirley batulan has passed away. si shirley batulan, isa syang stage actress na minsan kong pinagkautangan ng loob. umarte kasi sya sa thesis film ko eight years ago, for free. promise ko sa sarili ko noon na pag naging certified working director na ko, isasama ko lagi sa mga directing rackets ko ang mga naging artista ko sa thesis, and this time around babayaran sila in full. over the years nabigyan ko si tita shirley ng dalawa o tatlong rackets pero feeling ko hindi ko pa rin sya nabayaran ng sapat. pero sobrang bait nya, dahil hindi sya nagrereklamo. napakabait, at buong buo ang suporta nya.

ngayon wala na pala sya. nakakagulat, dahil wala pa yata syang 60. at nung huli kaming magkita, ang healthy healthy nya. ni hindi ko man lang natupad yung promise kong isama sya sa mga pelikulang gagawin ko, dahil naghihingalo na din yung pangarap kong yun. baka sumunod na nga rin sya kay tita shirley.

tita shirley, i hope you're happy where you are now. sobrang salamat talaga. i'm sorry that i didn't get to see you before you left.

No comments: