Friday, January 23, 2009

this is my lucky day!

sabi sa horoscope, today is my 'luckiest day of the year'.
ano ba nangyari today so far.

1. gumising, uminom ng kape
2. nag-revise nang konting-konti ng oneliner for script draft 3
3. nag-lunch kasama si boso oso
4. chumika over 1 stick of yosi with boso oso
5. umuwi ng maga-alas singko via cab
6. nagyosi uli ng isang stick pagdating sa bahay
7. nagkape
8. eto, nagba-blog.

well. hindi pa naman tapos ang araw. hehe.
may six hours pa bago dumating ang maraming magagandang news sa life. maraming magagandang opportunities.

ang challenge is pano magsimulang magtrabaho tonight gayong antok na antok ako. pero may deadline bukas ng alas-12 ng tanghali (daw), at mukhang magku-Kuya Germs mode na naman ako tonight.

alang tulugan, kasi, no choice. nagbulakbol ako all day today, kaya no choice.

* * *

funny tidbit.
nang hinatid ako sa taxi terminal ni oso, sabi sa kin ng drayber ng nasakyan ko: "boyfriend mo ba yun iha? ang guwapo ha, magaling kang pumili." ngyarks!
kung hindi lang sya medyo may-edad nang tatay-type, iisipin kong bading sya. haha.

2 comments:

Anonymous said...

nagyoyosi ka na pala sa tapat ni boso oso? (for a while i thought it's osobear!)

iba ka na mag-isip ngaun ah, very positive. always expecting good things to come. congrats and keep it up!

Anonymous said...

thanks penggs. naman ko yan sa yo. sana nga ma-keep up ko despite challenging times and everythang.

wala nang magawa si boso oso. paisa-isang stick lang naman. osobear talaga sya, na naging bosobear (kasi mas witty daw yun), na tinagalog ko lang into boso oso. pero tinapay pa rin ang pangalan nya. haha.