Sunday, November 22, 2009

kung ang mga araw ko ngayon ay eksena sa isang soap

INT. HEADWRITER'S HOUSE. DAY/NIGHT.

Magtatype. Magyoyosi. Tutunganga. Habang nakatunganga, maririnig ang MALAKAS NA PAGTICKTOCK ng relo sa isang sulok, and in these dreary hours ume-echo sa utak ang mga unforgettable lines from the past three days.

i'm counting on you.
it's like a song. it's your song.
break mo, kagatin mo.


Mapapamura. Wala nang Pag-asa pero putangina. Lalaban tayo. Hindi tayo titigil. Gagawin natin hanggang saan tayo aabutin ng putanginang kontrabidang deadline. magte-taping na sila. ang hirap pala ng trabaho ng headwriter ko. ito ang dinadaan nya every single week of those past 13 weeks.


Gusto ko na lang magmura nang magmura. kasi gusto kong labanan yung takot ko. gusto kong sigawan ng putangina hindin ako papatalo sa yo hayop ka. lalaban ako.

at dahil isa itong soap kailangan magdrama ng ganito kahit sandali. pksyet.

No comments: