may isang bagay na gustong-gusto kong makuha. gusto-gusto, but not in a matter-of-life-and-death kinda way, pero gustong-gusto, nonetheless. gustong-gusto ko sya kaya ise-set aside ko ang ibang bagay para lang magkaroon ng panahon para sa kanya. kahit gumastos ako, mangarag ako, kahit walang kasiguruhan kung makukuha ko sya despite the effort and time i'll put in, ok lang. kung hindi man magbunga, feeling ko hindi naman ako manghihinayang. it's worth the effort, at least masasabi kong binigay kong lahat ng makakaya kong ibigay, given the givens.
hay. the clock is ticking. tick tock.
may video akong gagawin first week of july. sana hindi sumapaw sa day job. sabi nila first week of july din daw magsisimula ang pelikulang ishu-shoot sa gitna ng lahar country. after the Direk's movie, parang ayoko munang mag-shoot as script con in the next several days. na-drain ako. gusto kong ma-miss uli ang trabaho ko.
sana ma-move sya to 2nd week of july, at the earliest. kelangan ko pa tuloy bumili ng memory card na mas malaki ang capacity para sa partner-in-crime kong digicam.
may binasa akong script lately, natutuwa ako sa storya ng isang character. timid at talunan ang character na to, mala-Ugly Duckling Meets Carrie ang storya nya, pero ibang personalidad ang hinulma nya para sa sarili sa online blog nya. ang title ng blog, "the Diary of a Bad Girl". itong online personality nya, andaming fans. at isa sa mga fans na yon turned out to be the Meanest Popular Girl in their school, yung nang-aapi-api sa kanya. haha.
it's cool to be bad. maling values ang ine-endorse, pero napaisip ako. everyone's trying to be nice. everyone's careful not to step on anyone's toes. i for one naiinsulto pag may kung sinong herodes dyan na magsasabing mukha akong bitch, judging from initial impressions alone. pero pano kung may pagkakataon kang maging "bad", kung may chance kang ilabas ang "bitchy" side mo, kahit sa online blog man lang?
feeling ko mabuti naman akong tao, mukha nga lang bitch (haha), kasi hindi ako mahilig ngumiti at seryoso talaga ang timpla ng pagkatao ko, pero parang na-inspire ako sa storya ng Diary of a Bad Girl. nasa point ako ngayon na parang gusto kong maglabas ng basura. gusto kong mag-angstfest. nape-pressure ako. parang gusto kong magpaka-badgirl.
so eto na.
marami akong pet peeves. ang isa dun, injustice sa mundo. haha. ang lawak ano. hindi ko madetalye pero nakakainis talaga. kasi maraming tao sa mundo ang binubuhos pati kaluluwa nila sa trabahong ginagawa nila. dahil mahal nila ang trabaho nila, or at least ang mundong ginagalawan nila. sana man lang matumbasan nang maayos, monetary-wise. kasi hindi biro ang magpuyat at magpagod. hindi biro ang magtrabaho ng 24 hours straight.
syempre naiinitindihan mo pag ini-islash ang budget, dahil wala talagang masyadong pera, kung ayaw mo e di wag mong pasukin, kung hindi ka agree sa compensation na binibigay sa yo e di wag mong tanggapin, marami pa namang projects na iba, pero hindi ganun ka-simple, lalo na kung hindi lang naman katrabaho ang turing mo sa mga kausap mo.
eh yan ang mahirap. pag nahaluan ng personal ang trabaho. pag utang na loob, loyalty, at good faith ang pumasok sa equation. oh well. natahimik ang bitch. hindi naman laging ganito. alam mong alam naman ng mga nanay at tatay mo sa industriya kung ano ang nararapat para sa yo. oh well. sige na nga. dahil hindi naman lahat tungkol sa pera. kung pera ang hanap ko, ibang mundo ang ginagalawan ko ngayon.
isa pang nakapagpatahimik sa bitch. suportahan ang mga taong may magandang intensyon. para when it's your turn, maaasahan mo rin ang mga tao na susuportahan ang magandang intensyon mo.
ok. anyway.
pet peeve ko rin ang stoplights. lagi silang kontrabida sa buhay ko, lalo na pag nagmamadali ako. sa lugar na tinitirhan ko sandamukal ang stoplights, bawat intersection yata may apat na stoplights. pucha, ang praning talaga ng nagpatayo nun. o di kaya eh pinagkakitaan nya ang pagpapatayo ng stoplights na yon, dahil may sideline syang kumpanya na supplier ng stoplights.
ang problema sa stoplights mechanical sila, hindi nila nakikita kung wala namang dumadaang sasakyan sa kabilang kalye, unlike traffic aides na pwedeng mag-adjust ng kanilang trafficking di ba. kaya kahit mistulang disyerto pa ang intersecting road naka-red pa rin ang stoplight sa kalye namin, eh ilang minuto ring dagdag yun sa travel time mo. ang sarap nilang batuhin.
ang sarap ding batuhin ng mga lalake sa daan na hinahagod ng tingin ang likuran (read: puwet) ng mga babaeng dumadaan sa harap nila. nandon na ko, nature na talaga ng mga lalake yon, pero nakakabwisit pa rin. tulad kahapon, may nakita kong babae na dumaan sa harap ng tricycle driver, lantaran talaga kung lantakan ng mata ng driver yung likuran ng babaeng dumaan. putcha, ano bang problema, aren't you getting any, mehn? kahit di nangyayari sa kin, nakakabastos pa rin, kasi babae din ako, at malay ko ba kung anong nangyayari sa likod ko pag napapadaan ako sa harap ng kung sinong herodes na mukhang kinukulang sa supply ng you-know-what (o sadyang manyakis lamang). matagal ko nang natanggap na ganon talaga ang mga lalake, pero wala lang, tutal napag-usapan na rin naman ang mga pet peeves, at kahapon eh gusto kong tusukin ang mga mata ng lalakeng yon.
isa pang nakakainis sa tanang life eh yung mga taong makukulit. maraming klase ng kulit. may kulit ng bata na papansin nang papansin sa mga sandaling nagtatrabaho ka at kelangan mong mag-concentrate. may kulit ng katrabaho na sinabi mo na nga ng ilang beses at klaro naman sa tingin mo ang pagkakasabi mo, tsaka ka hihiritan ng, "ano nga uli yon?". may kulit din ng mga katrabahong hinahaluan ng pamemechay ang trabaho (naku, hate ko yan), yung tipong tingin pa lang sa yo eh nakakaalibadbad/nakakairita na, at kung di mo pa soplahin eh di pa mage-get na nandon ka hindi para kumyondi kundi magtrabaho. may kulit din na computerized, yung globe 2977 na all-too-willing na maging ka-textmate mo, lalo na at a time when you're waiting for important messages to come.
hay. ok mag-bitch. pero may feeling of guilt pa rin. kasi sane enough naman ako to understand na merong explanation para sa lahat. sa sitwasyon, sa tao, sa mga pagkakataon. at hindi rin naman ako perpekto. minsan ang pinag-uugatan ng kinabubwisitan ko, sarili ko din ang may gawa.
12:51 na. marami pang dapat gawin. isa sa mga pet peeve ko rin yung kulang sa oras. lagi kong kalaban ang oras! argh!
1 comment:
Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!
Post a Comment