first time kong mag-direk ng isang love scene. nakakailang din pala kahit papano. kahit aesthetics ang first and foremost concern mo bilang direktor at tinitingnan mo ang eksena in the same, um, "clinical" way kung pano tingnan ng isang ob-gyne ang pasyente nya, may moment na mararamdaman mong para kang voyeur. at ang unang instinct mo, iiwas ang mga mata mo, dahil alam mong hindi ka dapat nanonood sa private moment ng dalawang taong to. haha.
pero masaya, kasi hindi ko akalaing make-keri ko palang magdirek ng love scene. kasi bago 'to, hanggang patayan, kantahan, at baklaan lang ako. hehe ;-D
argh. tuesday na. ano bang napakahirap sa isang pesteng powerpoint presentation? ba't takot na takot ako?!?
wednesday pa ko magkaka-buhay uli. premiere ng movie namin na shinoot sa putikan.
ang lapit na ng wednesday. can't wait for it. but a lot has to happen between now and wednesday as well. kaya parang ayoko pa rin munang mag-wednesday.
2 comments:
i'm dying to have coffee with you.
- waterfowl
perfect timing, girl! miss u! may free time ka na? may free time na rin ako :-)
Post a Comment