Friday, November 14, 2008

nostalgia is for the aged and ageing...

...at para sa mga taong delayed ang appreciation sa mga bagay-bagay, tulad ko. hehe.

usually hindi ko alam kung alin sa mga nangyayari sa present ang tatatak enough para maging golden memories sa future, kaya guessing game na rin sya. na malalaman lang ang kasagutan pag nasa future na ko, and in my moments of lull/dreariness biglang magfa-flood in ang isang tipak ng alaala ng isang experience from the past.

tulad ng cebu adventure ko 2004 habang ginagawa ang isang pelikula. back then it was nothing to me--nangitim kami ng sobra sa init ng araw, halos walang tulog sa pag-aapura na matapos ang pelikula at nangangapa pa ko nun sa bagong trabaho na sinabak ko bilang scriptcon--pero looking back now, isa sya sa best memories ko of 2004. i love new places, and it was my first time in cebu. i love adventure, at adventure talaga sya for little girl me back then. and at that time, bagong bago pa ang perspective ko sa trabaho ko. buhay na buhay pa ang mga pangarap, fuelled by a passion na hahamakin ang lahat, titiisin ang kahit ano, lulunukin ang pride, all in the name of the dream.

there are only two causes of rue. first, i wish i had known more about being a scriptcon back then. baka mas marami pa kong nai-contribute sa production. mas natulungan ko pa ang AD (bago pa rin sya nun) sa floor work (that same AD nga pala was the subject of my hapless gay-loving fantasies three years ago--ebidensya ang mga previous entries dito). second, i wish i had taken the ship going home instead of the plane. ang saya daw ng biyahe sa barko pabalik. tsk. kaso i was so homesick gusto ko nang makauwi agad. low EQ talaga!

at that time it was nothing. i wonder kung ano ang mga mistulang nothing lang ngayon na magiging golden naman ang memory sa future.

minsan naiisip ko kaya nagiging golden ang memory ng isang period sa buhay ko dahil may something sa period na yon na wala na ngayon. i suppose sa cebu adventure maraming bagay ang wala, pero stand out yung mga pangarap. kasi nang lumaon, naging trabaho na lang ang pagi-scriptcon sa kin. nawala na yung greater end which is matuto from the directors i'm working with. sumasara na pala ang utak ko nang kusa, parang maraming nagka-clog na kung ano, habang tumatagal. nagiging automaton, lalo na pag puyat at pagod, at dadating ka sa point na iisipin mo kung masaya ka pa ba, kung worth it ba, kung bat ka andito, kung ano ang ayaw mo at gusto mo, kung ano na ang priorities mo at present, etc.

i long for the old fire. not for the same particular dream or this same job per se. but passion in general, for whatever i'm doing now and will be doing in the future.

parang stuffed nose na ang self ko. it needs decongesting. kasi wala nang lumalabas at wala na ding pumapasok.

* * *

isang gabing maulan sa ilang, natigil ang shoot. naka-hang mode ako habang pinapanood ang mga patak ng ulan sa putikan (haha). pinag-iisipan ko ang wise words of advice ng isang kaibigan sa akin a few hours earlier. sabi nya, if you want something, mag-effort ka para ipakita sa kanila na kaya mo, kahit hindi yon ang trabaho mo, strictly speaking. may point sya, pero siguro nawalan na lang talaga ko ng drive. ang akin na lang ngayon, pag ito ang trabaho ko, ito ang aalagaan ko. hindi na ko magpapabiba para sa iba pang D&R.

nakakapagod na kasi. di ko talent ang multi-tasking.

something tells me hindi progresibo ang pag-iisip na ganto. 20-year-old "i-have-to-win" me would've responded differently. e ang tigas na ng ulo ko. i know it's the way to go. i just don't want to do it now.

so i suppose hindi ko sya ganon kagusto, o hindi ko na sya ganon kagusto, kung hindi na ko nage-effort sa kanya.

* * *

napanood ko na sya, finally. kagabi. at naluha ako sa ilang parte. at nagitla. dahil matino pala syang lumabas. at hindi halata sa storytelling na walang buong script ang pelikula while we were shooting it. may continuity ang flow from sequence to sequence. in fairness to direk. may pagka-brillo naman pala talaga, kahit madugo ang proseso.

but still. madugo pa rin e.

nung isang araw tinanong ako ng line producer kung pwede daw akong magscriptcon sa pelikulang ishushoot ng same direk by end of november. may conflict po sa sked ko e, sabi ko sa lp. ang totoo, bukod pa sa conflict sa sked, isipin ko pa lang na uulit ako sa kanya, napapagod na ko. isipin ko pa lang na may sequel din ang pagluha ko ng dugo from our last project, nadedepress na ko. wag na muna.

* * *

kahapon naki-brainstorm uli ako. medyo kinakalawang na ang right brain, pero na-enjoy ko. nakakabuhay palang bumalik sa ganong mode.

flashback to:

2005. brainstorms with beatlebum, frog princess, and floda for the kiligshow. cheapsteaks, IO, and especially for you. that was fun, and that time masyado akong busy sa funny-sad subplot ng real life to realize how fun everything else was. ha!ha!

fast forward to:

2006. da big haus. the money was fun. and the work would've eventually become fun, too, probably, somehow, if i had stayed. i was miserable back then but looking back now, i'll always remember that racket. blowing out smoke in the balcony, stressing out in the control room, stressing out in the spotting room. working alongside osobear, cringing at his corny hirits. haha. he was so corny i couldn't help but laugh.

i want to work with osobear again. di ko lang alam kung pano mangyayari yon. i wonder if things will be different this time. baka sabihan lang nya ko na mababa ang EQ ko, like how he always does. ha!ha!

No comments: