on the way home last night na-realize ko na parang ang patay-patay ko nang tao. hindi na ko madaling ma-excite sa maraming bagay. parang lagi akong pagod at kulang sa drive. kaya napaisip tuloy ako, kung hindi na ko nae-excite sa maraming bagay, ano ba yung mga iilang bagay na nae-excite ako pag naiisip ko?
eto ang random list ko:
* eating kiwifruit. ito na ang favorite fruit ko sa ngayon.
* going to a place out of town na hindi ko pa napuntahan, or
* going to a lovely beach on a beautiful sunny day
* moolah. lots of moolah.
* the prospect of directing again. ang getting moolah for it.
* making a good film. kahit walang moolah for me.
* winning in the flash game "Hotdog Bush"
* receiving a spontaneous kiss/hug from o.b.
* a glorious exciting repeat of 2003's halloween trek
* a trip out of the country
* an uber-sumptuous meal with o.b.
* waking up to see keanna cuddling herself beside me
* watching a really really good film
actually yung iba dito parang wishes lang. na pag nangyari, alam kong mae-excite ako, at isipin ko pa lang na mangyari, nae-excite na ko. kaso bago mangyari yung iba marami pang kelangang trabahuhin or, kung hindi sa kin naka-depende ang pagsasakatuparan nila, swerte na lang talaga kung ngingitian ako ng langit (read: almost on the "fantasy" level).
so kung pipiliin kong mabuti yung mga bagay na meron ako ngayon na nakakapagpa-excite sa kin, ang konti masyado. halos wala. kaso gusto ko nang bumalik sa dating excited, enthusiastic-about-life self ko. i hope this emotional slump passes.
note. isang super-exciting na bagay na nangyari ever sa kin: na-in love ako for the first time, sa isang taong in love din sa kin. actually exciting pa rin naman kahit hindi in love sa kin yung tao. haha! (flashback to: the Direk of the Landslide Movie in 2006) iba yung kilig when something is blooming. feeling ko sumasabay din ako sa pagbu-bloom ng lahat.
ngayon, parang slow steady fire na sya, hindi na isang bumubulusok/pabugso-bugsong klase ng apoy, unlike nung bago. isang constant na sa buhay mo, mahal na mahal mo, pero nag-mellow na yung giddyness factor. which is not a bad thing, actually. kasi yung excitement na ganun, hindi naman talaga magtatagal. at pag nawala yon, dun mo na mapapatunayan kung mahal mo ba talaga yung tao o na-infatuate/na-excite ka lang.
ngayon, pagdating sa oso, masaya naman lahat. kahit jokes na corny, pang-aasar na walang tigil, dinners na panira ng diet, etcetera. hindi uber-exciting, pero masaya. it doesn't take your breath away but it keeps you breathing. kaya kahit anong mangyari sa ibang aspeto ng buhay mo, keri lang. basta andun yung comfy kind of love, you keep going.
pero gusto kong maging excited uli. sa life, in general.
No comments:
Post a Comment