Thursday, February 12, 2009

starstruck pa rin

wow! nag-friend request sa kin si @ng3l l0cs1n sa facebuk!
at first i was doubtful kung siya yon talaga o hindi. pero mukhang siya nga, kasi maraming peeps-in-the-industry ang nagko-comment sa wall nya. at yung totoong name nya ang gamit nya: @ngel1ca c0lmen@res. haha! hindi ko nga alam na @ngelica pala ang totoong name ni @ngel!

na-flatter naman daw ako. hehe. nakatrabaho na si @ngel sa mangilan-ngilang projects, pero ang artista ay artista. beyond the working environment, hi-hello lang ang alam kong relationship with them. kaya nagulat naman ako na naalala pa ko ni @ngel.

hindi pa rin pala ako immune sa pagiging starstruck. :-)

* * *

starstruck din ako kanina sa story conference ng show namin. ang kyut kyut pala ni m@tt ev@ns in person. at hindi ko talaga napigilan ang sarili kong magpapicture kay w1lliam l0renzo. bilang sya ang dating rumored jowa ni l1no brocka. for that, he's reached cult status, at least in my book. haha. in fairness sa kanya, may itsu pa rin kahit may edad-edad na. :-)

* * *

hay. life.
i'm just praying here.
na sana, ituro sa akin ang tamang direksyon. na sana hindi ako ma-lost sa smorgasbord of choices. smorgasbord daw o. sana nga, it will turn out to be a smorgasbord very soon. a real one, a nakakatakam one. dahil mas masarap problemahin ang masyadong maraming options kesa yung wala.

lord, gusto ko. i just need your guidance. and blessing. for the future. it's not going to be about me anymore. may mga madadamay. kelangan ko talaga ang tulong nyo. sana mag-materialize sila into real stuff. beneficial stuff.

* * *

miss ko si oso.

* * *

dalaga na ang keanna ko.
may bago akong alaga, twin plants-in-pots. di ko alam kung anong klaseng halaman sila pero violet kulay nila. i named them Au-Au and Monica.
dumadami ang mga anak ko. :-)

* * *

lock-in tomorrow til friday.
something to submit by friday midnight.
valentimes on saturday.
airing of my first-ever episode for the show on sunday.

wow, daming highlights ng life. happy ako. sana madagdagan pa. :-)

No comments: