10:32 pm. ready to kiss the world goodnight.
despite two yet-to-be-accomplished items in the To-Do list. remnants from the To-Do lists since two days ago. hay. going out eats up the hours, the days. i hate going out.
yesterday i had to go out for the sake of meeting a longtime friend who's leaving for the States this week. pretty soon she'll be staying there for good, and, out of sentimentality (and, well, a sense of, erm, duty), i went all the way to makati to see her before she leaves. haha, panget no. duty ba. ibig sabihin hindi bukal sa loob. ok lang naman kaso ang layo ng lugar na kailangang puntahan, at marami pa kong tasks na di pa nagagawa, at masama ang pakiramdam ko.
pero ok lang. kasi mahal ko ang kaibigan kong to. how many times have i proven to myself that she is one of those people who will still be there even if i myself would no longer be there for me. ilang projects na ba ang pinagdaanan namin, from my undergrad thesis to boracay to my quickie low-budget music videos to gg at waterina. ilang crushes at so-called love interests ko na ba ang halos nakilala na nya nang husto sa (paulit-ulit na) pagkukwento at pagko-confide ko (at ilang beses na rin nya ko nasabihang "eto na naman tayo" at "naikwento mo na yan eh". hahaha). kahit nakakalimutan ko ang birthdays nya (mahina talaga ang memorya ko sa mga ganyan, at alam nya yon), kahit wala ako sa ilan sa pinaka-trying times sa buhay nya lately (nagka-bell's syndrome pala sya and had to undergo treatment for several weeks, and during that time busy ako sa sarili kong buhay at wala kaming masyadong contact bukod sa panaka-nakang "musta" sa text). she's always been there for me, most of the time. para makicelebrate sa happiest times ng buhay ko, para maging hingahan ng sama ng loob during the dreariest hours, para maging source of moral support, tagapagsermon, tagapag-untog ng ulo ko sa pader sa mga panahong kelangan kong magising sa katotohanan.
she's the one who doesn't mince words pagdating sa kin, who would tell me what she thinks to my face, keber na kung magalit ako o ma-offend ako. at sya lang ang kaibigan kong hindi ako nangingiming awayin o sabihin nang diretso ang nasa isip ko, kahit alam kong argumento ang maaring kahinatnan, kasi alam kong kahit ano pang lala ng pagtatalo namin, mananatili pa rin kaming magkaibigan.
naaalala ko minsan, nag-away kami, nasabihan ko sya na minsan ayoko nang kinakausap sya dahil laging nahahantong sa argumento ang usapan namin. lagi kasi syang nangpo-provoke. madalas mangontra. "para kang nanay ko," sabi ko sa kanya. "you always put me on the defensive!" naiyak sya sa mga sinabi ko. hindi ko in-expect na didibdibin nya yon. kaya daw pala nararamdaman nyang parang lumalayo na ang loob ko sa kanya. na parang nawawala na ko. lalo akong natawa sa sinabi nyang yon. na lalo nyang ikinainis. in the end, after much apologies (kahit medyo natatawa pa rin ako), nag-reconcile pa rin kami. pero don ko na-realize kung gaano pala ako kamahal ng kaibigan kong to.
sa totoo lang, sa sampung taon na lumipas simula nang maging friends kami, i've felt that we've been evolving into very different persons. yan naman lagi ang problema sa long-term, long-distance friendships. nag-iiba na ang mga mundo nyo, nag-iiba na kayo ng interests, yung mga things-in-common, unti-unti na ring hindi nagiging common sa inyong dalawa. nakakalungkot. pero isa sya sa mga kasong siguro eh matuturing kong exceptional. kasi sa simula't sapul pa lang hindi ko nga mapinpoint kung pano kami naging magkaibigan. lagi kaming nagtatalo! ultimo sa pagpili ng resto na kakainan hanggang sa mga prinsipyo sa buhay, ibang-iba kami. pero siguro nga tama sya. siguro nga yun yung common thing na nagba-bind sa min--that we've agreed to disagree, and somehow look out for each other. critic to the other, defender of the other pag involved na ang ibang tao.
isang beses nung april, on the night before i was to leave for vietnam, bigla akong nagkaproblema sa former bossing at nanganganib na ma-postpone ang flight ko dahil sa isang nawawalang portfolio (hay, long story). sya ang unang tinawagan ko. at sya rin ang nagsabi sa kin na, ano ka ba, wala ka na dyan, wag mo nang problemahin yan, lilipad ka na bukas, kaya lumayas ka na dyan at kebs na sa kanila. syempre hindi ko sya sinunod. pero ang laking comfort. na meron akong kakampi. na merong mga dumadamay sa kin. at sobrang grateful ako sa kanya for that.
so she's leaving in a matter of days. masaya ko para sa kanya, kasi matagal na nyang pinapangarap na makapunta ng amerika. feeling daw kasi nya andun ang magiging buhay nya, na ang future nya--hindi lang financial, encompassing all aspects of life na ito--ay wala sa pilipinas. malungkot isipin dahil hindi ako sanay na wala sya dito pero optimistic ako para sa kanya. hoping and praying na mahahanap nga nya sa states ang lahat-lahat ng hindi nya nahanap dito sa pinas. fulfillment, self-actualization (haha, favorite naming term yan), success, maybe even love.
hay girl friend, mami-miss talaga kita. :-(
No comments:
Post a Comment