prensters na kami. wee.
he turned 34 today. haberday, most esteemed luminary/goddess of two worlds/ storytelling stalwart. may your brilliance rub off on lowly earth dwellers like me. at sana rin dumami pa ang mga kagaya mo.
hay. sayang talaga ang genes mo. who knows how many geniuses would have sprung out from the right combination of X and Y. my X, your Y. hehe. naiimagine ko na ang reaction ng mga badinggerzi friends ko habang binabasa nila 'to. hahahaha!
on our the third-to-the last shooting day, something memorable happened. i was gifted with a goodbye "beso". of course it meant nothing (hello? sinasabi pa ba yon!), pero syempre kilig-worthy pa rin. kasi first time ko syang naka-"beso". haha!
solved na ko sa "beso" e, masaya na kong makakauwi, pero nung may pahabol pa syang, "thanks, saffron.", shet, tumaas yata ang presyon ko for a microsecond. kasi first time din nya kong pinasalamatan nang personal at the end of a work day. syempre, feeling last-day na kasi kaming lahat at that time kaya nagpaulan na ng mga besos at thank-yous ang mga utaw, pero iba pa rin talaga ano, pag special yung tao. lalo na kung hindi kayo friends at malayong-malayo ang loob nya sa yo, at halos Q&A lang ang paminsan-minsanang pag-uusap nyo at work.
bookmarked pa rin ang lahat ng detalye. highlighted ang mga letra in neon pink. kahit alam mong wala lang yun sa tao, masaya ka pa rin. kebs na kung wala kang makitang logic sa pagiging masaya mo. basta masaya ka, tapos!
ahahay! napaka-exciting ng buhay ko, no. :-P
No comments:
Post a Comment