Thursday, October 26, 2006

multo o maligno

isn't it strange when you dream of someone and then the next day (or the day after next), they get in touch with you? all the stranger if it happens twice, and involving the same person.

parang multo. di ba may mga multong nagpaparamdam sa panaginip? two months ago i would've taken it as a "sign". baka maisip ko pang may psychic connection ako sa taong to or something silly like that. but two months seems ages ago. and two months ago was my time in twilight zone.

musta?
napanood mo na yung The Prestige?
too busy ba? me isang taong gusto kang i-treat


all saints' day na kasi kaya siguro nagpaparamdam ang mga multo. o dahil kakatapos lang ng halloween kaya lumalabas sa woodwork ang kung anu-anong maligno? haha :-P

beeyatchy. kaya ako kinakarma e. kaya tuloy lagi akong nagfo-fall sa bading. haha. wow ibang klaseng maligno yon. ibang klaseng multo. kahit mapanaginipan ko araw-araw, magiging masayang bangungot. he's welcome to haunt me anytime.

back to the present case. ambivalent answers to provocative questions can only mean two things; 1) the person is teasing/tormenting/testing you, or 2) the person him/herself feels ambivalently about the whole thing. maybe i was a little of both. but at the end of the day, it was easy to resolve the uncertainty. it was easy to dismiss it. di ko yata feel bumuhay ng patay. o mag-resuscitate ng naghihingalo. ipagtitirik na lang natin ng kandila, sabay dasal. may your memory in my mind forever rest in peace. manahimik na sana ang yong kaluluwa at wag nang magparamdam pa.

hahaha, evil ko talaga.

2 comments:

zelle said...

sa tono ng post mo di lang sya basta basta multo...isa syang maligno! hehehe...cge ipagtitirik ko din sya (kung sino man sya) ng kandila para sa sayo... :)

ayan may kasama ka ng evil din...yun ex ko nagtext din nangungumusta...sabi ko takot ako sa multo kaya wag na akong gambalain pa...sabay sabing...di naman akonagkulang ng dasal bakit ka nagpaparamdanm?!..

saffron_blue said...

ngyar! baka mainit sa kinalalagyan nya. hehe. o baka naman exorcism na ang katapat nya, di lang basta dasal. hahahaha, evil ko! :-P