arghhhh. i hate left-brain mental work. right now. makes me wanna get up and run.
ayoko ng nakaupo lang. kaya ko nga nilayasan yung unang desk job ko. at yung pangalawa. wala naman akong nunal sa talampakan. pero gusto ko takbo nang takbo. gusto ko ng mabilis na buhay sa labas. kaso puro schedules at plano ang ginagawa ko ngayon. parang sinisilaban ang pwet ko pag more than 3 hours nang nakaupo.
naiinis ako sa microsoft excel. grrr.
yun lang naman ang angst ko sa buhay. sa ngayon. ayoko nang madagdagan pa. kasi kahit tunog reklamo, i'm happy. kahit na sa ngayon eh gusto kong TUMILAPON (tumilapon! promise!) sa isang malayong magandang lugar sa tabing-dagat habang nagtatrabaho.
lord, wish ko.
pray ko.
ok lang kahit maghintay ako ng isang buwan. kahit ma-uproot ako nang matagal. kahit umitim ako (lalo). basta worth it sya. basta masaya. at marami akong pera. hahaha.
arghhh. nothing beats doin what you like to do and getting paid well for it.
* * *
gusto kong bumalik ng bolinao. on vacation. sa holy week. sana matuloy kami. family outing. two and a half days. happy yon. sana!
two days na lang, shoot na naman. weehee. pagud-paguran na naman. sagad-sagaran from sunrise to sunrise. ok lang mangarag, at least hindi ako nakaupo. kahit nagsisisigaw ako sa ilang, nagmumukha nang longkatu sa ilalim ng mainit na araw.
haggardness = happiness. haha. pwede!
ok rin lang na nagtatrabaho ako kahit special ang araw na yon sa kin. mas gusto ko ang option na yon kesa sa alternative (nakaupo, nagse-skedyul sa Excel, NAKAUPO!). sana smooth ang buong shoot. sana hindi ma-late ang lolo m@rk herr@s. sana mabilis si direk. sana ma-packup kami ng 3 am nang nakumpleto lahat ng nasa schedule.
* * *
kahapon nag-ocular kami for jade's c1nemalaya movie. kapagod pala kahit hindi ka nagshu-shoot at bumabiyahe ka lang, lumalakad-lakad ka lang. na-miss ko tuloy yung muling-pagbubukas ng bahay ni k0ya. isang taon na ba? haggardness din non, lalo na pag pabukas pa lang ang bahay ni k0ya.
haggardness = erm, haggardness. pero in the final analysis, masaya rin naman. :-)
* * *
kahapon napadpad ako sa red ribbon. isang malaking chocolate mousse cake ang bumulaga sa kin sa estante. last month first time kong nakatikim ng chocolate mousse ng red ribbon. in fairness. naiwan sa time and place na yon ang kaluluwa ko.
* * *
aligaga sa march dahil sa jade movie. isang buong buwan ng kawangga. hay. meron pa namang 1hman movie (yes, may followup sya sa tr01ka. hehehe). di ko alam kung mapapagsabay ko kung sakali. wala kong drive sa ngayon kahit magtanong kung kelan nga ba ang 1st shooting date, dahil feeling ko talaga sasapaw.
paksyet. pwede bang hatiin ang katawan at utak?
* * *
yey. na-figure out ko na kung pano mag-page break nang maayos sa microsoft excel. di ko na sya hate. bestfriends na kami!
* * *
may blogspot account na si Direk (of the Landslide movie). yehey. puro kabadingan naman, kaynis. gagawa sya uli ng 1/3 ng isang trilogy. sana ako uli ang script con nya. :-)
* * *
girlfriend na ko ni Frog Princess.
as in: "hey girlfriend! shet, me date ako bukas! kelangan kong mag-beauty sleep para freshness ever!".
hahaha.
at least "girlfriend" pa rin. oks.
i love you girlfriend! :-)
* * *
hay. pwede pala yon ano. akalain mo.
No comments:
Post a Comment