Thursday, February 01, 2007

shop talk on a cold february night

january gone. i haven't been blogging as much as i would have wanted to. sad, because lots of blog-worthy things have happened these past several days. thank god. for happiness. and work. and new people, new friends. and the promise of new opportunities.

actually, maraming dapat ipasalamat sa diyos pero madalas nakakalimutan kong mag-thank you, kahit pahapyaw lang bago matulog. kaya yun nga. salamat lord. i've never been happy like this. anything "extreme", laging may bweltang opposite "extreme", but the positive outweighs the negative.

shoot for Da Pwamis was wrapped about a week ago. now i'm being made to attend dubbing for the artistas. argh. i hate dubbing. it's the part of the script girl's job that i find the most boring, not to mention uninspiring.

after Da Pwamis the next feature film started shooting in montalban, rizal for two straight days. my first job as official assistant director. oks naman, the things i did during those two days ain't anything i haven't really done before (kasi ang script girl usually tumutulong na rin sa AD), but at least i didn't have to do continuity work. na medyo na-miss ko. na-miss kong kumuha ng continuity pictures with my bestfriend of a digital camera.

buong january haggard ang schedule ko dahil sa Da Pwamis at ilan pang raket na nangangailangan ng atensyon, kaya for the first two weeks of february gusto ko sanang bumawi at magpahinga. kahit sandali lang, o makadukot lang ng ilang araw na talagang purong chillaxation ang gagawin ko. andami kong na-miss na movies, andami kong na-miss na friends. pero syempre, after a few days, alam kong mami-miss ko na namang magtrabaho. gusto ko tuloy-tuloy. parang ayoko nang tumigil. gusto ko tumilapon na naman ako sa kung saang lupalop ng pinas (o ng mundo!) para makasama sa isang movie shoot. let's keep goin baby. makipagniig na tayo sa buhawi forever!

may isang bonggang movie project na gusto ko talagang salihan, kaso malapit na syang magsimulang i-shoot, at mukhang sasagasa sa currently grinding project namin sa montalban. the producer has asked me if i was available kaso hindi ako makasagot. ayoko namang mang-iwan dun sa kabila (kahit ba "indie" lang sya at walang masyadong budget). bukod pa sa unethical, gusto ko rin namang tapusin yon. nakakahiya sa direktor na sobrang naging mabait sa kin (kahit na nung una eh medyo magulo at sabog ang sistema nya). nakakahiya din sa mga kasamahan ko. sayang talaga yung isa. kasi camiguin ang location. di pa ko nakapunta don! pihado adventure yon. sayang talaga, grrrrr!

isang minus lang ng project na yon sa kin, kinukuha nila ko as script continuity. medyo ayoko na kasing mag-continuity. gusto ko nang mag-assistant director, promise! break lang ang kailangan sa mainstream, tuloy-tuloy na yan. kaso yun nga, nata-typecast akong script cont. nae-enjoy ko naman yung trabaho kaso feeling ko ready na ko to take the next step up the "corporate" ladder. haha.

pero ok lang, trabaho pa rin naman. high profile masyado ang project para pag-hinartehan ko no. basta! sa ngayon i'm just...waiting for things to unfold. kung gusto ni lord na makuha ko yung camiguin project na yon, mamu-move ang grind date nya. lord sana ma-move ang grind date nya. please!

cold february. literally. gusto ko na munang matulog. there's something that i'm really aching to write about but that will have to wait. boborlogs muna ko.

goodnight world!

No comments: