Wednesday, March 07, 2007

dontcha

Things to Do in the Next Twenty Four Hours:
1. Make revised master shooting schedule for the J@de movie on EXCEL
2. Make oneliner and encode master shooting schedule for the action movie on FINAL DRAFT
3. (low priority) Rewrite edit logs for the angel movie

Top two are big bulks of paperwork. Deadlines asap.

Haggardness.

Underestimated my multi-tasking abilities again. But there's no other choice but to deliver. On time, with optimum efficiency. Good luck to me. Times like these make me wish na sana adik na lang ako.

Kung maraming dapat gawin di ba dapat di na nagsusulat sa blog? Oo na. Sandali lang.

Let me get me-self together first, blow out smoke for a moment, utter a crisp little cuss word under my breath and then maybe I'll get goin again. And then maybe I'll be friggin happy, that at least I'm gettin what I'm wishin for. A (happily) haggard, busy work life.

Kaya sige, pakaadik tayo! Sige, itambak nyo lang! Lalaklak na lang ako ng pinaghalong extra joss at kape sa pitsel! Kebs na kung magpalpitate, at least hindi aantukin. At least magagawa ang mga dapat gawin.

Pero gusto ko munang chumika ng mga walang katuturan. Wala lang. Kasi walang magandang survey na sasagutan sa Fwendster e. So wag ka nang magbasa kung ayaw mong mabagot.

Two days ago nakatrabaho ko si J3nnilyn M3rcado. Nakakatawa. Kasi katrabaho ko din ngayon sa ibang proyekto yung ex nya, si M@rk H3rras. Nakakatawa kasi ironic yung sitwatsyon para sa kin. For a moment na-tempt akong ipakita sa girlaloo yung behind-the-scenes pics ng ex nya sa digicam ko. Hehe. Buti na lang merong little voice inside my head na nagpumigil sa taklesa tendencies ko.

Two days ago may bago akong na-meet na assistant director. Matagal ko nang naririnig ang pangalan nya. Gusto kong kunin yung number nya at ibigay ang number ko para pag nangangailangan sya ng script continuity, kunin nya ko. Kaso hindi ko alam ang standing ko sa kanya buong gabi (Sabi ng isang direktor ko kung gusto ko daw mag-AD na talaga wag na daw akong tumanggap ng script con offers, pero sino ba naman ako para talikuran ang trabaho. Kung andyan, di andyan. Hangga't budding pa lang sa bagong job designation. After all gusto ko naman ang trabahong pagko-continuity). Laking tuwa ko nang, at the end of the shoot day (alas-4 na ng umaga yon. hehe), sya na mismo ang kumuha ng number ko. Dontcha just love new people, new faces. They open new doors for you. Sana nga kaldakarin ako ng taong to sa kung saan-saang bagong teritoryo.

Kahapon kahit hindi dapat pinag-day off ko ang sarili ko. Haha. Parang long-katu. Masaya naman, kahit nagpagala-gala lang ako sa Greenhills, trying to block out thoughts of the undone paperwork waiting at home for me. Shet. Eto na nga bang sinasabi ko. Pero hindi lang naman sa trabaho umiikot ang buhay ko. Marami pang ibang bagay na kelangang pagtuunan ng pansin. At kung duduguin man ako sa possible consequences ng "day off" ko kahapon, worth it naman sya.

Matagal na rin akong di nakakapunta sa Greenhills. Dontcha just love (relatively) new places.

ARghhhhhh. Time. Lagi na lang kulang sa time.

Time is money.
Time is love.

Ang problema, pano mo hahatiin ang time between money and love, nang hindi nagsa-suffer ang isa. Actually, hindi naman sya "problema". Kung adik ka. O robot ka. O magaling kang mag-budget ng oras mo. At dahil hindi ako adik o robot (at medyo sablay din ako sa pagba-budget ng oras ko), mag-eextra joss-with-coffee energy drink na lang ako (ayan zelle pinopromote ko ang kliyente mo, ha). :-P

Pressure. I hate being pressured. But we gotta do what we gotta friggin do.

No comments: