Tuesday, March 13, 2007

gutom

argh! i hate when that happens.
you write a loong entry and then the computer f**ks up on you. sheesh.

anyway, parang ayoko nang ulitin sarili ko. basta gusto ko lang sabihin na may shoot ako bukas. at yung direktor, first time nya. kasabayan kong nagluluto ng mga konsepto noon para sa mga de-kahong proyekto ng you-kn0w-what film production outfit. hay, those were the days. mga bagets kaming nangangarap na masayang mabuhay sa loob ng mainstream. and now he's found creative solace, somehow, the indie way. like a lot of other friends and peers who have already made the "leap".

proud ako, kahit papano. at least buhay pa rin sa kin ang pag-asa. na malay ko, kung next year or the year after next, next in line na rin pala ako. haha. sarap mangarap. it keeps the blood pumpin.

isa pa ring gumagawa ng pelikula nya ngayon si ad0lf, yung co-writer ko from the kilig show. tingnan mo nga naman, wala pa yatang isang taon yung "panganay" nyang "d0ns0l" nasundan na agad. kakaelib talaga tong si adolf0. pag passionate ka, magiging prolific ka. pag magaling ka, lilitaw at lilitaw sya. all of a sudden naramdaman ko na naman yung pinaghalong inspiration at frustration. it's getting really easy for me to deal with it: push it away and redirect my thoughts to other things.

sa ngayon, gusto ko lang maging masaya. period.
kung saan man yon, at sa anumang paraan na makabubuti para sa nakararami, o hindi makakagambala sa iba.

pero alam mo, lalabas at lalabas pa rin ang gutom.
each time i see a really good movie. each time na matutuon ang tingin ko sa mga lumang notes at readings from film classes. mga "basurang" di ko pa rin tinatapon. still hoping na isang araw magkakaoras akong balikan sila.

tulad ng pag-asa kong isang araw ay bigla na lang akong ngitian ng lahat ng mga musa, o kahit hindi na lahat ng mga musa, kahit isa lang sa kanila, at biglang may lumagpak na isang magandang storya sa kandungan ko. isang storyang kailangan lang ng sinapupunan para mabigyan ng buhay, maipagbuntis, maipanganak. at syempre, sana, sinapupunan ko na lang. sinapupunang isip at kaluluwa.

chos.

bilog na naman siguro ang buwan. o patay sya.

wala. yun lang ang gusto kong sabihin. na masaya naman ako kahit hindi pa natutupad ang lahat ng pinapangarap ko. kelangang mamili lagi e. ganyan ang buhay. masyadong malaking sakripisyo kung pipiliin kong magpakagutom at maglaan ng panahon. ewan. marami akong excuses. pero ok lang, alam ko naman ang mga kakulangan ko sa pag-eeffort. siguro hindi ko sya masyadong gusto kaya hindi ako handang isakripisyo ang ilang bagay sa buhay ko para sa kanya.

pero hindi e. gusto ko talaga sya. siguro nga hindi pa lang panahon. lahat naman ng bagay may takdang panahon.

yeah. and i can keep on sayin that to myself for the rest of my life.

basta. ang mahalaga, happiness. at faith. na alam ng diyos kung ano ang mas mabuting direksyon para sa buhay mo.

hay. marami akong nami-miss ngayon.

No comments: