Saturday, February 09, 2019

DAY 39 on Keetow (attempt 3)

... and I woke up today at 56.1 kgs.  Lowest I've been in 4 years, I think.
Pero uminom ako ng kape at tubig, biglang naging 56.5. haha. water weight is a bummer.

Nasusuot ko na ulit yung mga pambahay ko na dati masikip at di ako magkalakas loob ng isuot. Pero at 56.1, I'm still a long way from my target goal - at least 50 kgs.

eh dati nga nung late 20s ako, 48 kgs ako. Huhu. Tatanggapin ko nang malamang hindi na ako makabalik sa ganun kapayat, ever. Ayoko rin naman yung mukhang lollipop. Gusto ko lang na umalis sa pagiging "chubby".

so 50 kgs it is.

sabi nila after 6 weeks, posibleng maging fat-adapted ka na- meaning, your body has been conditioned to get its energy from fat (instead of carbs and sugar). so these past few days, napansin ko, steady ang physical energy ko even in the wee hours (my peak time- 11pm til dawn!), nag-eexercise ako during this time nang hindi nanlalata afterwards. at kahit mabagal pa rin akong magsulat, mas mahaba kesa dati ang stamina ko. hindi kasinghirap unlike when I'd force myself to write - parang may mga bakal na pabigat ang mga paa ko.

so Day 1 (weds) nakapagsulat ako ng 17 seqs (maiikli at action-oriented, but still). di na masama pero below quota ko na 20 seqs.
Day 2, (thu) nagpakapasaway ako! :-( mas kaunti pa dun.
Day 3 (kagabi), nakaabot hanggang gap 3-- pero pasaway pa rin.

at ngayon, supposedly deadline ko ng 10 am, pero dahil maraming adjustments sila na nirerequire.. eto ako.. (nagbablog!?) nasa gitna ng body 4 pero nakakasulat naman kahit wala ang puso. mahirap magsulat nang wala ang puso mo, kaya in fairness. keetow (and maybe the appetite suppressant) gets all the credit.

may dinner kami ng friends tomorrow evening kaya dapat, dapat dapat matapos ko 'to by tomorrow afternoon :-( LORD... bigyan nyo po ako ng gasolina at inspirasyon para matapos ang script.

last note-- at 56.1, may tiyan pa rin, may taba pa rin sa tagiliran. thunder thighs pa rin. but I'm getting there. wala pa akong 2 months on the diet.

in 3 weeks, sana, 54 kgs na ako.
in 6 months (june), sana, steady 50 kgs na ako.


No comments: