shoot na naman mamayang 11:30 PM.
day 12 of 30.
counting the days, still.
ewan. kung gusto mo ang ginagawa mo, di ba dapat hindi mo binibilang ang araw?
eh bat parang kulang na lang hilahin ko ang mga araw?
hindi ko ba gusto ang ginagawa ko?
these days i live for the work. because my world has been revolving around it for the past three weeks, and it will stay that way for four weeks more. what is real is what is here now. and aside from co-workers, aside from the cold hotel room that has merely become sleeping quarters, the work is the only big thing to live for.
gusto ko ba ang ginagawa ko? gusto ko bang maging sekretarya/katulong/assistant ni direk sa set? bat ba andami kong reklamo? it's a job, period. you don't have to love your job, so long as you don't hate it. i can stand the job, i find fulfillment from it in some ways, and that's enough. because it's a JOB. it's a way to live.
not to mention a way to learn. stubborn and ma-pride that i am, ayokong i-admit sa harap ng certain persons na may natututunan ako sa kanila. actually isang tao lang naman. kasi itong taong to stubborn at ma-pride din, at may test of wills na nangyayari minsan sa aming dalawa.
ewan ko. what do i have against men? battle of the sexes ba ito? bat lagi akong defensive at combative pagdating sa karapatan ng mga kababaihan? sumali na lang kaya ako sa gabriela pag-uwi ko sa pinas? ayoko lang nang tinatry akong kontrolin, lalo na pag hindi ko magulang o hindi ko boss. at lalo na pag lalake. syet. lalaban talaga ko.
hemingways, kelangan ko nang kumain. kakagising ko lang ng alas-5 ngayong hapon dahil natapos kaming mag-shoot ng 10 am kanina. ilang oras na lang kailangan na namang pumalaot at magtrabaho.
hay. iritable na naman ako. kaya ako natatawag na bitchy ni frog princess e. kasi pag iritable ako nakasimangot ako. at napapadalas ang pagyoyosi. hay frog princess di ko talaga makakalimutan yon. a year from now matatawa pa rin ako pag maaalala ko.
ang sarap magtagalog. nabubulol na ko sa english dito.
No comments:
Post a Comment