Wednesday, May 10, 2006

hay

argggh. may kelangan pang isubmit tonight. edit logs. paperwork. calculations. because these people, they might ask lots of questions. nakikini-kinita ko na. how many rolls have we consumed so far? how many scenes are done? how many shots? setups? what time did we pack up for so-and-so day? and i'm expected to know it all. miss have-to-know-it-all. miss get-it-all-down-on-paper. miss polaroid. miss ko na pinas.

nakalimutan ko pera ko sa hotel. pano ko magbabayad sa internet usage ko? pano ko sasabihin sa kanilang babalik ako para kunin pera ko, eh di nga sila marunong mag-english at hindi nga ako marunong mag-vietnamese?

buti na lang nahanap ni marcus yung isang portfolio na nawawala. thanks dude, for saving my ass...again. kaso dalawa yun e. hanapin mo pa sa apartment mo. kasi baka pagbalik ko pabalikin na naman ako sa confession room. kuya, nag-voluntary exit na po ako, subjected pa rin ba ko sa house rules nyo? waah.

makaalis na nga. hay. paperwork. dami kong reklamo. happy naman ako e, sa totoo lang. kesa naman dati. at least nararamdaman kong tao ako. hindi cog-in-the-wheel, o robot. haaay. sana mahanap yung isang portfolio.

rose, miss na rin kita. puro lalaki halos mga pinoy dito. nagiging lalake na nga rin ata ako e. ang init na malagkit ng panahon. ang sarap mag-tagalog, nakakamiss. mag-iisip na ko ng pangalan para sa pusang regalo mo.

No comments: