Friday, May 19, 2006

inspirasyon

tama si rose. kelangan ng inspirasyon sa buhay minsan.

if there's no one, then look for one. or two. or three.

laging tanong ng mga kaibigan at kapamilya ko sa pinas, ano, meron ba dyan?

syempre, wala.

wala. at ayokong magkaroon. masamang paghaluin ang inspirasyon at trabaho minsan. case-to-case basis naman yan, pero sa ngayon sa tingin ko eh hindi magiging healthy.

dangerous pa nga. kasi maliit ang mundo ngayon.

di kaya pagbalik ko eh isama ko sa mga plano ang pagkarir sa love life. magiging ok kayang pagsabayin ang pagkarir sa love life at pagkarir sa One Great Dream? magiging inspiring ba o distracting?

malamang pagbalik ko natauhan na ang mangilan-ngilan sa mga nangangarir, malamang iba na ang kinakarir nila by then. expected na naman, ano lang ba ang mawawala sa kin kundi pagkakataong makalibre ng kape, lunch, o dinner. kaya ko namang bilhin yon.

sa october may uuwi from abroad, someone i've virtually known for about a year, pero hindi ko sya kaibigan, hindi ko nga sya masyadong kakilala, at lalong hindi ko sya pinapagtiwalaan. bat ka naman magtitiwala sa isang hindi kaibigan. guilty unless proven otherwise, right. hah.

but i'm looking forward to it. somehow. pero at this stage ng relationship namin hindi ko masyado pang naiisip ang taong yon. so much can happen in three weeks, what more four months.

hayhay, kumusta na kaya si ________. sino na naman kaya ang niyayaya nya ngayon for "just one date that no one will ever know"?

tama ba ang nari-read ko sa mga fwendster msgs ni ________? i can sense that something's lost there, something that used to be there several weeks ago. time and distance. it's a bitch, dude, but it's completely understandable.

ayoko na ring isipin si ________ at ang dyowa nya. tama na yung isa't kalahating taon ng katangahan. but i can't help smiling each time i remember that face. wala eh. kelangan ng inspirasyon minsan.

di ba, rose?

No comments: