Saturday, July 15, 2006

don't speak gayspeak on a night of to-dos

major angst of the moment: why is it, that everytime there's a cinemalaya-related event for the short film finalists, my work schedule always gets in the way? pati ba naman sa gala premiere ng short film namin, sagasa na naman sa work sked? pati sa awards night on sunday, conflict pa rin?

ano ba! para kong magulang na hindi umaattend ng PTA meetings ng anak nya. punyeta naman kasi. why do these thingies have to ALWAYS fall on mondays, wednesdays, and sundays? siguro whoever's doin the scheduling has rackets to attend to on tuesdays, thursdays, fridays, and saturdays. lagi kasing sagasa e. pang-ilang beses nang nangyayari.

syempre gusto ko naman na maka-aattend, kahit yung gala premiere man lang. di bale na sa awards night. kung ngitian man kami ng langit at manalo, andun naman si dennis para i-accept ang award at magsabi ng ka-chuvahan. truth remains pa rin naman. i reared that child. di magbabago yon. kahit semi-kachakahan sya, kahit puro sya tungkol sa kabadingan.

joke lang. i-wats nyo ang pelikula namin. baka mapaisip pa kayo kung meron nga bang moral lesson ang storya ng buhay nyo.

hahay, kaeklavuhan na naman.
hanap na nga lang tayo ng mga menchu.
yung mga tunay ha, hindi yung berde ang dugo.
bwisit naman kasi, yung mga tipong gusto mong makasama habambuhay at maging ama ng mga anak mo, ka-tribo naman nina Gee-Gee at Waterina.

sayang kaaaa.
nakakatuwang pagmasdan ang mga piktyur mo. kung ako si waterina, malamang eh nagwo-water-water na rin ako sa tuwina. sa tuwa, sa kilig, sa panghihinayang, sa pagkabwisit.

because it's the biggest funny-sad irony i've ever come across in my recent life. ba't wala ito sa lyrics ng kanta ni alanis morrissette?

it's like meeting the man of my dreams, and then...

hay. nakakatawa talaga.

* * *

ba't tuwing napapadaan ako sa gateway, may naaalala ako?
yung first time na napunta ko sa lugar na yon, two months ago.
was it a sunday?
oo.
i'd forgotten about that, but someone had reminded me.
at ako naman, si sentimentalist beeyatch, na-touch naman na naalala nya.

eh hello. ako din naman may mga bagay na naaalala na hindi importante sa akin o sa skema ng buhay ko.

tse! kacharingan.

* * *

hay ang daming dapat gawin tonight. and here i am, belching out trivial thoughts.

No comments: