Saturday, July 15, 2006

i knew it

bat may mga taong mas okay sa mind's eye mo pag hindi mo nakikita in person?
mas nami-miss mo pag hindi nagpaparamdam?
pero pag andyan na, kaharap mo na...wala. the magic goes. at pag nilulunod ka naman sa atensyon, deadma.

hindi mo naman sinasadya yon, basta nararamdaman mo lang. pero syempre hindi yon alam ng ibang tao, ang dating lang sa kanila, isa kang bloke ng yelo na ayaw magpatibag, for god knows what reason. o isang luka-lukang nagpupumilit pa rin sa isang ilusyong wala talagang kapag-asahang maging katotohanan.

asa ka pang maintindihan ka nila. kahit nga sarili mo hindi mo maintindihan.

* * *

if the weather's good.
that was a definitive "IF".
okay. so what did you want me to say?


oo nga! sana nga! wag kang mag-alala ipagpe-pray ko, mag-aalay ako ng itlog at magsasayaw pa sa ambon para lang hindi magtuloy ang ulan this weekend.


hehe. magpahinog ka dyan. may pa-IF-IF ka pang nalalaman. it would've been flattering if not for the IF-THEN scenario. but that was duh.

and so i didn't acknowledge it. because if you really meant it, you would say it again.

o ngayon the weather's good. asan na yang pinagsasabi mong IF-THEN scenario?
zilch. yan kasi ang problema sa mga katulad mo. puro kayo lip service. puro kayo ka-etchosan. akala nyo naman madadala kaming lahat sa mga ganyan. hindi naman lahat kami uto-uto at tanga. not that i took your words seriously (erm, never did), pero sa point na to lumilinaw na lang talaga ang lahat.

i've pegged you and i was right. and somehow that makes me feel good. not necessarily about myself, but about being right.

o ano, magmamaganda ka pa? sabi ko na e.

FG should've known better. FG doesn't always know what he's talking about.
but then, if you were FG malamang hindi lang pag-aalay ng itlog at pagsayaw sa ambon ang ginawa ko. kasi pag special ang isang tao sa kin, walang kyeme-kyeme. walang IFs IFs. kahit bumabagyo pa yan, luluwas ako. kahit tsunami pa ang katapat ko, go ako. t dahil ganon ako sa mga special persons sa buhay ko, i assume na ganon din ang ibang tao sa mga special persons sa buhay nila.

at pag hindi ganon ang lebel ng dedication, malamang eh hindi naman talaga special ang mga taong yon sa kanila.

so what's new?

No comments: