Tuesday, March 30, 2010

"stressie tomas" got me through the week

parang mura. imbes na "p@$taen@@@", ang panaka-nakang sinisigaw ko, "STRESSIE TOMAS!!" hahaha. to acknowledge the stress was to relieve yourself from it. plus it got me going too. and yeah, the term is so funny, i always chuckle everytime i yell it out loud.

and now, after how many days of hibernating inside this slowpoke little head o' mine, i'm DONE for week 2. just in time for tomorrow's trip outta town. yesterday kumuha na ko ng karamay. isa syang blessing in da sky. dahil kung hindi, hanggang ngayon pinupukpok ko pa rin ang laptop keys ko while yelling "STRESSIE TOMAS!!!!" every now and then.

next in order: go to the cashier. wish ko lang umabot ako, dahil 415 pa lang nagsasara na yun. kung hindi ako umabot, bukas na lang.

next next in order: feedback meeting for the soap at 5. parang gusto ko munang matulog. ang sarap matulog nang walang iniisip! STRESSIE TOMASSSSSS!

things to do before i leave:
1) shop for clothes. i HATE my new figure. argh-worthy. have to cover up haha
2)get a leg wax
3) shop for other beach necessities

because YEY BABY i'm goin to the BEAAAACH!!!!

lord, keep us safe please para masaya through and through! please please!

and thank you lord natapos rin ang week 2! thank thank you po! thank you din hindi na masyadong sumasakit ang tiyan ko pag nasestressie tomas ako!

here's to the sun sand and sea woohoo!!! haha, feeling happy lang kahit bukas may brainstorm meeting pa at 10am. thank you lord for work! mwah mwah!

Monday, March 29, 2010

nth vigil night

and one more night to go kung tatapusin ko ang lahat in time for my ultimate vacation of 2010. at dapat matapos ang lahat bago ako umalis. dapat matapos ang lahat with enough time para makapagshopping for the trip.

taena. parang imposible at this point.madali lang pag may framework na. pero pag magsisimula ka sa drowing, at wala pang naka-erect na structure, dobleng oras ang kinakain. at yun ang hindi ako sanay. yung nagsisimula sa drowing tapos gagawa ka na agad ng bahay. with limited time.

dun ako dapat magsanay. dahil yun ang magiging future ko. kung gusto kong yumaman, ganon ang kalakaran. pero sa ngayon parang lumuluha ako ng dugo. sumasabog ang ulo ko. tense at stressed at walang ibang outlet kundi kape at pagkain. gusto kong magyosi gawdangit. i'm building a house of cards alone, carefully painstakingly. and im not even sure if i'm doin it right.

well this night sucks. but it will stop sucking in a while. dahil potaena aalis ako sa wednesday nang tapos ang week 2. hindi pwedeng HINDI!!!

Friday, March 26, 2010

lost sa madaling araw

mag-isa. and the clock is ticking against me. as always.

gusto kong umiyak. hindi ko pa yata naranasang maging lost nang ganito sa isa't kalahating taon ng pagka-comeback ko sa pagsusulat. kadalasan pag lost ako meron akong karamay. pero ngayon wala akong choice kundi harapin to nang mag-isa. ni hindi ko pa tapos ang liner. at deadline na in two days. aatakehin ako sa puso.

lost. dahil kakagaling ko lang sa pagsusulat ng isang episode ng soap at pagod pa ako. kung endless lang ang energy, raratratin ko ang pag-iisip til the wee hours. pangarap kong maging robot na walang humpay, walang tigil, walang kapaguran.

6 hours ago pangarap ko lang na matapos na ang soap script para makadiretso na ko sa kiligserye. pero taena hindi pala ganon kadali yun. tumatanda na ang lola nyo. o di kaya ay biochemical ang dahlan. bumabagal ang pagod. bumibigay ang katawan.

paksyet naman, imbes na magsulat ka dito ratratin mo na kaya yung liners ano???

wala lang. nagbubuhos lang.

Thursday, March 25, 2010

happy day, stressful night

1248 am. bingeing on coffee to keep me up. almost done with one body of a one-day script for the new soap. buti na lang madali lang itong isang araw na to. sana matapos na to para show #2 naman ako bukas onwards.

it's vigil night 1. i need to be superwoman for the next few days. no other choice.

* * *

today was a happy day. dahil nakumpirma ko ang isang bagay na parang ayoko pa ngang paniwalaan. but i was happily banished from my in-denial state today.

i felt cared for. i felt loved. thank you for being here.

excited na ko sa pagudpud! sana naman wala nang humabol na stress don!

Saturday, March 20, 2010

okay lang na mahirap basta may katapat na sarap

pero ang pinakaimportante, nae-enjoy mo ang proseso. wag kang mag-rely on anything else. importante ang pera. masarap din sa pakiramdam ang ma-assure na may nagagawa kang tama. pero hindi ka makakatagal kung di mo nae-enjoy ang proseso.

kaya gusto kong ma-lost. dahil kadalasan pag nalo-lost ako sa sinusulat ko doon ko nasasabing nae-enjoy ko ang trabaho. when i'm in the zone. when i'm in the scene, in the emotion, when i'm crying, when i'm laughing, pag kinikilig ako, nae-excite ako. pag may nararamdaman ako.

hindi ko alam kung nasa zone ako ngayon. siguro marami lang naiisip. maraming kinakatakutan. baka mabagal ang pacing. definitely, mabagal ang pagsulat. pero dapat ang materyal, hindi mabagal. dapat, dapat. maraming dapat. nakakastress. kaya ang hirap mapunta sa zone. lalo na pag da clock is ticking.

yun ang kalaban. da clock. lagi-lagi.

nagpapasalamat ako. na-extend. nakahinga ako. nakapag-excrete ako. nakaexhale ako. mamaya makakakain ako. pero putaena. bakit five years ago kaya kong tapusin ang dalawang bodies in one magdamag. mabagal pa yon supposedly. bakit ngayon para kong constipated. every scene kailangang iere. parang batang pinapanganak na may hydrocephalus.

wag naman.

Thursday, March 18, 2010

LET'S HYPER UP

stress ang past three days. since last tuesday's creative feedback meeting. woke up wednesday morning super dragged-down. feeling low. knowing that i have five days' worth of treatment writing to do that day, starting almost from scratch. nag-pray na lang ako. please, help me. mabuti na lang, nakinig si lord. dahil somehow i survived the night. with a functioning mind and angels around me to help me out. sobrang thank you talaga, lord!

now, scripting time. gusto ng direktor, mabilis at exciting. maigsi ang attention span nya, kaya dapat ganon din ako. i can wing hyper. i used to be hyper before i started thinking of substance and words of wisdom. kaya kape, halika na! magtrabaho na tayo!

* * *

kumusta ka na dyan? konting tiis lang. let me just survive this one and i'll make bawi to you nang bonggang bongga. i'll live healthy, get lots of rest, take care of you once i'm done with work. here's wishing for happy ever afters.

* * *

it's just strange, the feeling the other day. i thought i couldn't do it, but then i had a glimpse of a chance to actually do it. and the response was sweet. playful. ah, the one that got away. i don't regret anything, i don't wonder about what could've beens anymore, but moments like that pass, when a little playful banter would slip past me and find its way to you.

pero hanggang dun na lang yun. for a thousand and one reasons. so have a good life. yeah, i'll see around. but not like how i used to.

Sunday, March 14, 2010

want some fun, sun and a healthy tan

it's that time of the year again for my out-of-town getaway cravings.

WAAAH. gusto kong mag-beach. wanna go to a place where i can bury my feet in the soft cool sands, float in serene blue waters, under endless blue skies.

gusto kong mag-baguio. gusto kong maglakad amidst the pines. gusto kong magshopping ng ube halaya at fresh strawberries. gusto kong gumising with fog and pines and morning dew outside my window.

gusto kong mag-out-of-the-country. nang libre. gusto ko ng bagong lugar. gusto kong gumala sa mga lugar na di ko pa napupuntahan.

lahat ng gusto, hanggang sa isip na lang muna. mind-traveling na lang muna, sa ngayon. pero please lord, sana naman, sa HOLY WEEK, payagan nyo akong magbakasyon. sana naman sa holy week wala nang trabaho. para makapag-getaway vacation naman ako. please, lord.

* * *

na-miss ko nang gumawa ng music video. the last one was 3 years ago. pero sa ngayon pagdating sa directing, kung ano lang ang dumarating yun ang tinatanggap ko. kasi i take it as a sign na gusto pa ng diyos na magdirect ako. ayoko munang magsolicit sa ngayon, partly because of my writing schedule na rin. and partly because gusto ko manggaling sa diyos ang desisyon kung babalik pa ako sa pagdidirek o hindi. kaya ayokong magsolicit ng projects. kung ano na lang ang dumating. i'll take it to mean na binibigay nya talaga sa akin iyon.

* * *

pero na-miss ko rin. sana may dumating. ok lang naman kung wala, masaya na ko sa buhay ko ngayon. di ko naman nararamdaman na may kulang. that's a sign na i can probably live the rest of my life without making films. that's okay. ang importante lang naman, happy ako, hindi ako nakakaabala ng ibang tao, at useful naman ang ginagawa ko sa ibang tao somehow. at feeling ko matutupad ko naman ang tatlong pamantayan na yon through writing. sa ngayon, masaya pa naman ako.

may mga moments lang, though. na feeling ko pagod ako. pero lilipas din ito. sa lahat naman ng trabaho may ganon. saka these days i'm prone to emotional slumps. biochemical stuff.

okay, may homework pang dapat gawin. kelangan tapusin para makapagliwaliw sa wonderland with alice and the huggable bosobear.

Friday, March 12, 2010

ang mahirap sa natitigil...

...ang hirap mag-resume uli. parang isdang pinakawalan mo. kailangan mo pang hulihin uli. potaena.

so. this is the life. okay. isa na lang ang iisipin ko. o dalawa. o tatlo. iisipin ko na lang na tagtuyot ang abril. na masaya ang feedback sa naging presentation kanina. na nagustuhan ng headwriter ko sa k@torse ang pagkakasulat ko ng pee-eych-ar ep na umeere ngayon.

actually, yung huli na lang na yon, dapat motivated na ko. malaking bagay sa kin na magustuhan nya, dahil marami sa alam ko sa pagsusulat ngayon, siya ang nagturo. kaya oo, dapat matuwa na ko. dapat magbuo uli ang gulong. dapat mahuli uli ang isdang nakawala kanina.

pwede ring motivation yung una. hmm. abril is my 30th berday. kailangan ng dilig sa natutuyong lupa. and i dont mean that in a skanky way. haha.

waaah

i've a flat tire. what to do with a flat tire?
vulcanize. with what?
i can't touch the smokes. i've had enough food for the night. HOW THE HECK AM I SUPPOSED TO SURVIVE THE NIGHT WITH THIS BULK OF WORK TO BE DONE???

sige. dumagdag ka pa. naiinis na talaga ko ha. pag nagtext ka bukas ng umaga bahala ka sa buhay mo. ngayon ko kailangan ang text mo pero tinulugan mo na naman ako. NAIINIS NA TALAGA KO SA YO! TATADYAKAN NA TALAGA KITA! WHERE IT WOULD REALLY HURT!!!

ARGH. i've tried the mantra that my mother gave me. my mind is powerful...my thoughts are the keys to my power...concentrated, i can understand what i need to understand to do my work...concentrated, i can remember all that i need to remember to do my work...

three times lang ok na di ba? kailangan pa bang three thousand times para lang gumana?

WAAAAAAAH. SOS, LORD.

* * * *

i was resenting it earlier today, but i'm happy that the presentation for the new soap turned out well tonight. masaya naman sila. tinik na nabunot. ngayon isa na lang ang poproblemahin ko hanggang bukas.

Monday, March 08, 2010

note on the ref, from 2 years ago

nahalukay ko ito from this blog, october of 2 years ago.

lord, i pray...that you would help me survive every single day of the next two weeks. with work still done, with grace and a poker face, with an armor that will protect me from all sources of anxiety. because, at the end of every shooting day, it is still the work that matters. i am there for the work. kahit hindi ko na nakikita ang sarili ko na patuloy pa ring gagawin ang work na ganito in the future.

i pray, lord, that you would help me find a good place. a place where i can live life, be happy and fulfilled


kailangan ko lang i-post, para i-remind ang sarili ko, each time tinatamad ako, o pag nawawala ang dating sigla. i should grateful, for every day. because yes, my prayers were answered. because now, i think he has helped me find a good place.

during those days i hated my job, i hated every day i'd spend on the job. those days were dark and dreary, but they just passed. everything would matter for the moment, but moments pass, and as soon as they're gone, you're feeling okay again. konting time at konting processing lang, magiging okay ka rin eventually.

kaya salamat po, lord. sobrang thank you. i'm grateful, everyday.

sleepless at 5 am






and it's the worst friggin' time to be sleepless. cause i have work to do during the day. lots of it.

HAY.

i love my cat. soooooo much. she came to me 2 years ago and she was a wary, detached kitten. she grew up that way and it took me a while to earn her complete trust. now i can say she totally trusts me. now i can say i'm her favorite person.

every morning when she hears my bedroom door open she runs to me and rubs herself against my legs. she's hungry, sure, and it's only my utmost pleasure to feed her. it even gives me joy, watching her eat. and before she digs into her food, she has this little ritual of rubbing against my legs first, as if to say "thank you". haha. siguro imagination ko na lang yon. pero i'd like to think that i do sense these things.

she's a quiet cat. she hardly meows. if she were a person she'd be very mahinhin. malayong-malayo ang ugali nya sa mga pusakal dito sa amin. when food is on the cat dish she's the last cat to dig in. she nibbles her food--primly, delicately. and when she walks around the house, she's a queen nonchalantly strolling around her kingdom.

oh, i just looove her. i'm oozing with love for her. she's my baby. i spoil her but it doesn't even affect her. she takes everything so seemingly casually. but she loves it when i take care of her. she loves it when i take her into my arms and carry her like a baby. she loves it when i rub her belly. she loves it when i scratch her ears. and me, i just love looking at her. just seeing my keanna makes me happy. she's a stress-reliever.

wala lang. i just feel that i have to say this now or i'll burst. haha!

Friday, March 05, 2010

five episodes to go

doing work for the new soap. i'm on week 12, five episodes to go. deadline is today.

at mainit na naman ang ulo ko. f__k. i hate this.

i feel like i'm trapped in this condition. it came at the wrong time. right now, yan ang nararamdaman ko. wrong---friggin---timing. when i have my WHOLE LIFE ahead of me. and i have yet to experience the JOYS of being out there.

because i haven't, really. sumagwan lang ako sa kabilang isla. hindi pa nga ako nakakalabas ng pacific ocean. and times like these, how i WISH i still can. times like these na NAIINIS ako, i want to bail out. you are making me miss what i no longer have, and how i WISH you knew that. para masaktan ka kahit papano.

dahil putsa, para kang TUOD. ang sarap alugin ng bangka mo para mahulog ka naman sa tubig at mag-react ka naman dyan. bwiset ka.

tomorrow's a party. not in the mood for some socializing. but tell you what, maybe i'll treat myself to a hot oil tonight. maybe i'll primp a little and try to be vain for once. maybe i still can. maybe i will.

i HATE all hecklers. HATE is a bad word, but OH, how CATHARTIC it feels to just SHOUT-IT-OUT.

back to work.

bad trip friday

I HATE YOU!!!!!
BUWISET KANG KAPAL NG MUKHA MO!!!!
GO TO FRIGGIN HELL!!!
P@$%%$#@#$@#!!!

HAY. that out, back to my normal day.