pero nae-enjoy kong mag-artista. kahit artista-artistahan lang, i.e. sa acting workshops in school o sa drills ng mga classmates ko, o kahit bit part sa pelikulang kasama ko sa production sa staff. di ko mapinpoint exactly kung bakit. dahil siguro vain ako at gusto kong makita ang sarili ko sa screen? hindi din, kasi dun sa 3ndo, ang chaka chaka ko at embarrassing experience each time napapanood ko dun ang sarili ko. dahil siguro exhibitionist ako? kasi nga naman kelangang maghubo't hubad ng pagkatao pag umaarte ka? hmm, ito nga ang pinaka-hate kong part di ba?
ewan. basta challenging sya in ways na di ko ma-describe. parang gusto kong ulit-ulitin. gusto ko syang karirin in a not-so-karir way, if that makes any sense. karirin na hindi gagawing career. pampasaya lang, pampachallenge.
kahapon nag-one-man-on-stage acting kami sa klase. tinawag ako. actually two weeks ago ko pa pinraktis yung monologue ng character na napili ko, kaya kabisadong-kabisado ko. hehe. pero taena ang hirap pala pag solo ka na. lalo na pag andun yung direktor ng pelikula kung san kinuha yung monologue na gagawin mo. ngyarr. binlock out ko na lang ang mga mukha. nagfocus ako sa isa, yung mentor sa gitna ng classroom. pokpok na cynical yung role ko. gusto nila akong mag-isip ng isang bagay na cynical ang attitude ko, at mag-isip ng taong kinaiinggitan ko, kasi ganun yung nasa monologue.
nahirapan akong hindi mag-isip. eh mali yun, hindi dapat nag-iisip. dapat nararamdaman mo lang. at hindi ka nag-eedit. hindi ko alam kung tama ang ginawa ko, after so many revealing things that i said (supposedly to the imaginary person na kausap ko at pinagsasabihan ko), sabi ng mentor, switch to the monologue. eh at that time na sinabi nya yun feeling ko hindi pa ko talagang ANDUN. may "pag-iisip" factor pa rin at hindi pa ko nagba-blackout into pure unthinking, untainted feeling.
at some point, pinutol ako. dagdagan ko daw. kasi yung character, sexy. sexy in a brutal way. nag-introduce ng bagong Choice Approach technique chenes. mag-isip daw ako ng isang bagay o konsepto that makes me feel sexy. savagely sexy na dangerous in a brutal way. haha. taena, humihingi ako ng tulong dun sa kaklase naming magaling umarte. panu ba maging savagely sexy na dangerous in a brutal way sa harap ng tatlumpung tao? maging sexy nga lang sa harap ng salamin ang hirap na. pero tinry ko, sige, inisip ko, isang sex shop sa malate. sex yun, pero brutal. ok go.
nagresume ako sa monologue-from-real-life. ilang beses akong tumigil at nagback-to-scratch. kasi ang hirap talagang iwasan mag-isip. at some point, inutusan na kong tumuloy sa monologue. siguro nagmamadali na, o siguro tama na yung timpla ng mukha ko. tensyonado na ko sa mga basurang pinagsasasabi ko sa monologue-from-real-life that i'd been spurting out. tinodo ko na lang ang focus dun sa assigned monologue ko, all the while trying to be savagely sexy na dangerous in a brutal way. haha.
i doubt kung na-accomplish ko yung sexy factor. hindi nagwork yung sex shop concept. pineke ko na lang sa konting bukaka ng katawan at sa pagkakaupo ko. pero tinodo ko ang tensyon. lahat ng bitterness na nararamdaman ko, lahat ng cynicism about a certain subject matter, chinannel ko sa mata at boses ko.
ironically, despite the tension and nervousness, na-enjoy ko. uber. yung proseso. yung paglalabas ng angst in the disguise of another character. may nagcomment na kaibigan ko na sobrang layo daw sa real-life character ko yung performance ko. surprised ako sa sinabi nya, kasi feeling ko nga ang lapit lapit. sa pagiging dark at angst-ridden at negative at cynical. siguro nga paiba-iba ko ng personality, depende sa mood at kasama. siguro me MPD ako na hindi pa lang masyadong malala. haha.
naalala ko na nung bata ako, gusto ko pala talagang mag-artista. kaya ako sumasali sa penpen de sarapen as one of the multitudinous kids' crowd sa broadcast city. at some point, gusto kong sumunod sa yapak ni aiza seguerra. bumalik yung feeling at that moment, na ang sarap nga palang maging artista. yung tunay na artista, hindi yung showbiz na nagpapa-cute sa camera at tumatanggap ng limpak limpak na pera.
pero syempre, nun lang yun. nung matapos na yung turn ko, balik na ko sa "now" mode. at ang "now" mode, tanggap sa sarili nyang ilan lang sa mundong to ang pwedeng gawing profession ang acting. at mas konti pa ang mga taong pwedeng gawing profession at vocation ang acting. at kung magpipilit kang gawing vocation and profession ang acting, kelangang maging willing kang maghubo't hubad ng pagkatao mo on a regular basis. na wiz ko naman gustong gawin. enjoy ko sya pero hindi ko sya ganon ka-enjoy para i-pursue sya nang todo-todo.
pero enjoy talaga, lalo na pag sa skwela. next week, dalawang acting roles ang na-assign sa kin. magkaibang characters, yung isa Manang na nainlab sa manekin tas yung isa Bulag na Gustong MAgkaBoypren. haha. ang saya no! sana lang hindi maapektuhan ang pagiging camera operator ko for the first time dahil sa mga acting assignments ko. ang isa sa mga kinakatakot ko eh baka mas makarir ko pa ang pag-aartista. hehe.
No comments:
Post a Comment