Friday, November 09, 2007

out of sight, out of mind

tick,tock.
hindi ko pa natatapos yung bago kong concept paper for school. huhu.
ayoko kasing harapin.
mas gusto ko pang magblog.

kasi naman e. dapat me deadline.
disiplina lang siguro talaga.
i will set a deadline for myself.

* * *

kahapon i met with my AD for the compost project. sinamahan lang nya kong magpa-encash ng last two paychecks namin. hay. goodbye compost na talaga...money-wise.

sabi nya, gagawa daw ng movie uli yung direk namin, hindi naman sya pwedeng mag-AD for him dun dahil busy na sya as AD sa soap nila ni direk. nirecommend daw nya ko as AD dun sa movie, at kinuha na ni direk yung number ko. huhu. flattering na masaya na masakit, dahil alam kong kung tumawag man sya at ialok ang project, hindi ko matatanggap.

pero isipin ko lang yung "epiphany" moment ko, ok na rin. ganyan talaga. gotta give some to get some. sayang lang talaga ang mga ties na nabuo with directors and producers and other people sa industriya. like any relationship, kelangang pangalagaan, kelangan me consistency of contact, para mag-grow at manatiling maganda ang pagsasamahan. pero pag tanggi ka nang tanggi, pag hindi kayo nagkikita at nagkakatrabaho, unti-unti ka nang nawawala sa eksena, nawawala ang recall nila sa yo, at kelangan nilang maghanap ng iba para punan ang posisyon na dating ino-occupy mo.

bagong posisyon yung mag-AD para sa direk na yun, one step up the ladder, like simiar cases in the past na hindi ko kinuha. huhu. ang hirap pa namang i-earn ang tiwala ni direk. kaya sobrang flattering, at masaya, at nagiging masakit din kasi kung ibang direktor yun ok lang. pero not Direk M.

tama na nga, nade-depress lang ako.

No comments: