i'm done.
emailed the dang thing at 10 pm. fear sometimes drives you towards productivity (albeit belated). fear, and two cups of coffee, and half a dozen yosis in a span of five hours.
sana walang major comments or revisions. sana go na agad.
* * *
apolitical akong tao pero naloka ako sa mga pangyayari ngayong araw na to. umagang-umaga biglang nagmarakulyo na naman daw ang magdalo gang. tapos kung sinu-sino ang mga inaresto, pati mga civilian. tapos biglang may curfew 12mn onwards. smells real fishy. wala akong pakialam on ordinary days pero natatakot ako sa martial rule. kasi lahat ng tao maaapektuhan, kahit yung mga walang pakialam.
sana wag naman.
* * *
ayoko ng curfew. lalo na ang curfew na sa yo lang applied. yung curfew ng mga magulang mong nagiging OA ang concern sa safety mo habang tumatanda ka. ngek, baliktad di ba? ilang beses na ba kong umuwi ng beyond 2 am nung 23-26 years old ako? and they didn't mind. ngayon gusto nilang nasa bahay ako ng before 1 am or umuwi na lang daw ako ng umaga na, dahil ayaw nilang nagta-travel ako nang madaling araw.
tapos pag umaga ka naman uuwi, magagalit pa rin sa yo. paghihinalaan ka ng kung anu-ano. anuba naman ang tamang gawin? ilang taon na nga ba ko?
kelan nga ba matatanggap ng isang magulang na malaki na ang anak nila? na may sarili nang capacities para ipagtanggol ang sarili/dumiskarte sa buhay/gumawa ng sariling desisyon tungkol sa ilang aspeto ng buhay? kelan ba matatanggap ng isang magulang na hindi habang panahong naka-angkla sa kanila ang isang anak, na nagbabago ang panahon at kasama dun ang pananaw ng isang tao?
i'm sad about this. dahil wala naman akong ginagawang mali. and yet somehow i'm being made to feel na meron.
* * *
dahil masaya kong natapos ko na ang assignment ko, sasagot ako ng survey. nakuha ko to ke waterfowl. na-miss ko na rin ang mga surveys na tulad neto.
1. Student #? - 97-11009
2. College? - CMC
3. Ano ang course mo? - BA Film
4. Nag-shift ka ba o na-kick out? - nag-shift ako from Speech Comm to Film
5. Saan ka kumuha ng UPCAT? - Institute of Chemistry
6. Favorite GE Subject? - Hum 1 (love ko ang writing noon kaya nahumaling ako dito). PI 100 (uma-"I have to win" ako sa subject na to noon, hehe).
7. Favorite PE? - Social Dance (masarap lang dumancing-dancing sa tanghaling tapat). bowling (kaka-high pag mataas ang score mo! feeling Queen of the Duckpins ka, haha)
8. Saan ka nag-aabang ng hot babe/men sa UP? - hot gays, oo. sa CMC annex lobby. masilayan lang namin ang pagtawid nya mula sa Film Dept papunta sa kotse nya, buo na ang araw namin
9. Favorite Prof(s)- Nic Tiongson!
10. Pinaka-ayaw na GE subject - Math 1, STS, Kas1
11. Kumuha ka ba ng Wed or Sat classes? - yup
12. Nakapag-field trip ka ba? - required sa Kas1. ang boring ko talaga nun. Between Banahaw and Bulacan Bulacan ang pinili ko. Parang yung kasyongahan ko nang pinili ko ang Span over French na language elective.
13. Naging CS ka na ba or US sa UP? - oo. pero sbi nga ni maryrose, it's no mean feat. especially sa UP CMC
14. Ano ang org/frat/soro mo? - UP CAST
15. Saan ka tumatambay palagi? - CMC under the skywalk
16. Dorm, Boarding House o bahay? - bahay
17. Kung walang UPCAT at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun? (Given ang mentality mo nung HS ka) - malamang creative writing. pero convinced ako noon na walang pera doon
18. Sino ang pinakauna mong nakilala sa UP? - si Mae. yung blockmate ko. pareho kaming lost.
19. First play na napanood mo sa UP? - nakalimutan ko na. "Libog" ba ni Jun Lana? ata.
20. Name the 5 most coño orgs in UP- di ko alam e. siguro nga yung mga nasa B.A.
21. Name 5 of the coolest orgs/soro/frat in UP - di ko din alam e. antisocial ako non. at wala ding alam sa mga orgs at soros na "in" sa circle
22. May frat/soro bang nagrecruit sa 'yo? - nakalimutan ko na yung pangalan eh.
23. Saan ka madalas mag-lunch? - Casaa (panalo ang chicken roll at salisbury steak. sa CMC canteen.
24. Masaya ba sa UP? - pwede na. isa syang kanlungan.
25. Nakasama ka ba sa rally? - anti-erap rally nung 2001
26. Ilang beses ka bumoto sa student council? - hende ako bumoboto. once lang ata
27. Name at least 5 leftist groups in UP- syonga ko pagdating dyan.
28. Pinangarap mo bang mag-laude nu'ng freshman ka? - pangarap lang oo, pero not something na tatrabahuhin ko talaga at that time.
29. Kanino ka pinaka-patay sa UP? - yung hot gay na inaabangan namin sa CMC annex lobby noon, yung may plate number na tnv 107. tsaka yung matabang teacher na naging textmate ko na ngayon eh takang-taka na lang ako kung bat ko nagustuhan. tsaka oo nga pala yung classmate kong mukhang smurf na mahilig sa checkered polo. awa ng diyos bading pa rin si hot gay ngayon at may asawa't anak na pareho yung top 2 and 3 choices ko. and to think na iniiyakan ko pa silang lahat noon.
30. Kung di ka UP, ano'ng school ka? - ateneo. haha feeling mayaman. buti na lang hindi ako napunta dun. baka ibang tao ako ngayon kung sakali.
No comments:
Post a Comment