Monday, September 18, 2006

ayoko sa mga taong mahilig sa drowing

finally, nasabi ko na.
na-sense na rin siguro nya kaya sya na ang nagtanong. sabi ko, hindi ko kayang mag-full time. hindi ko rin gustong magsulat para sa kanila sa ngayon. pero kung may slot for directors i'm just a call away.
sabi nya, sige. hay. sana lang magkatotoo yon. sawa na ko sa mga taong mahilig mag-drawing.

nung isang araw lang, bumulwak ang galit ko sa mundo sa isang taong nang-onse sa kin at sa mga kasamahan ko. john christian reyes ang pangalan nya, aka boogie. napalabas sa isang investigative news show yung "stakeout" na ginawa nila para mahuli sa akto ang mokong. maliit lang naman ang nakuha sa kin, ano ba naman yung PhP 2k para sa isang ad space for an Asian Magazine na ang subscribers (daw) ay Asian film distributors and producers, pinadala pa nya ko ng kopya ng short film ko at jpeg file ng poster na ilalagay dun sa ad space.

at dahil ni-refer sya ng isang kaibigan ko, bigay agad ako. no buts, no ifs, no questions. instant uto-uto. haha.

so i went to crame the other day to "negotiate" with the con man. ampangit no, dapat yung con man ang nakikipag-negotiate sa min, sya ang makukulong e. all i wanted was to get the money back. promise nya, me kaibigan daw sya na pupunta sa presinto on that same day para ibigay sa kin ang 2K plus some amount for my troubles. nagdaan ang buong maghapon, naghintay ako sa ilalim ng mainit na araw, tsaka nya sinabing wala daw makakarating sa araw na yon.

naku. it was the worst little lie that could have crossed me path at that time. nagalit talaga ko. i said things that i wouldn't have said on any other day. pati yung mga pulis natahimik. hahay. afterwards i felt guilty. not because i regretted giving that con guy the mouthful he deserved, but because of the fact that i had to say it in front of his mother.

syempre, ina yon e.

anyway. basta ayoko na sa mga taong puro drowing lang ang alam. puro ka-etchosan.

* * *

may "test shoot" ngayon ng 1 pm. pasig pa. ang layo, kainis. di pa nga ko prepared. di ko pa napapa-bookbind ang script ko. kasi buong maghapon kahapon masama ang pakiramdam ko. isang buong araw na nasayang. ikinain lang ng dulce de leche at mango ice cream.

ubos na kasi ang double dutch sa kanto e.

nanaginip nga ako, nagising daw ako ng 4 pm ngayong araw, eh 1 pm yung shoot. hay. i hate the memory of those things. minsan nangyari yan nung nagtatrabaho pa ko sa b@hay ni k0ya. nakakaloka yon.

* * *

gusto ko sanang ikwento yung mga gusto kong idagdag na memories sa Time Capsule #002, pero tsaka na lang. it merits a separate entry. along with other things. na irereserba ko na lang sa future, maybe one year from now. or even a month from now. by that time, siguro, unless na may mangyaring "cosmic" encounter with the taong-kinauukulan, the urge to blog about it would have been gone.

sana mas masaya ang araw na to kesa kahapon.

No comments: