Saturday, September 30, 2006

nakakatawang nakakaiyak ang masaklap na katotohanan

eto na naman ako, balik sa dating modus operandi. how many time have i been through this, and each time i'd find myself in the same little rut.

interesado ka sa isang tao? anong gagawin mo? hindi mo naman kayang kunin ang cellphone number nya, hindi mo rin kayang makipagkaibigan. in the first place, hindi rin naman advisable na gawin ang options 1 and 2, kasi hindi mo naman intensyon na gumawa ng paraan para mas mapalapit ka sa kanya, much less--argh--ligawan sya (although interesanteng ideya, kung baliktad lang ang mundo at ang mga bading ay straight at tinubuan ng balls ang mga torpeng manang na katulad ko). so ang best option, to feed your curiosity (and your fancies as well) is mag-research.

ano pa nga naman ba ang silbi ng prenster sa buhay mo, bukod sa paglalabas ng angst via bulletin board surveys at pagpo-post ng mga pa-cute mong pictures. and so you people-search. at nahanap mo sya.

ang cute talaga, kilig mo pang sabi sa sarili mo habang pinagmamasdan ang mga piktyurs nya. nakakaloka. kasi akala mo hindi ka na makakakita ng taong halos ayaw mo nang ialis ang mga mata mo. ang sarap nyang tingnan, lalo na pag sa personal, at nakatingin sya sa yo, parang gusto mong iiwas ang tingin mo dahil takot kang mabasa nya sa mga mata mong hirap na hirap magsinungaling na gusto mo sya. aray ko. baka sabunutan ka kasi. or at best, baka mandiri sa yo. ang bilat na to. asa ka pa. yan naman lagi ang kinatatakutan ko. na pag nalaman ng isang bading na may gusto ako sa kanya, biglang magsi-angatan ang mga anti-female firewalls sa paligid nya at hindi na ko kibuin forever.

sa mahabang history ko ba naman ng hopeless cases, you'd think i'd learn the lesson.
parang inimbento yata ang term na "fag hag" para sa kin. ahay, bwiset. ewan ko ba kung anong charm meron sila. kung anong aura ba ang umaalingasaw sa mga yan, bukod sa kalangsahan. sorry ha, hindi ako bitter. i'm the farthest from bitter. pero alas-dos na kasi ng umaga at katatapos ko lang mag-"research".

so balik tayo sa prenster at kung anong mga nadiskubre ko don tungkol kay Direk. the one who would've been Perfect in another time and place, my current Epitome of Everything I've Wanted to Love in a Guy. who happens to be gay. ang sakit no. pero masakit lang pakinggan, dahil sa totoo lang, nakakatawa sya.

natuwa ako hindi lang dahil sa mga piktyurs, kundi dahil may blog din sya. wow, sabi ko. didn't i just say earlier (to myself lang naman) na pag nagkaroon ako ng chance, i'd love to sit down with him and pick his brains? what makes this "stalwart" tick? what is he made of? little thingies, little factbites, that you'd get simply by listening to him speak. pero eto na, may blog na sa harap ko. hindi ko na kelangan ng one-on-one interview. unless lang gusto kong makipagchikahan at gawin syang friend. na alam nating hindi ko kakayanin sa ngayon.

teka, flashback tayo to yesterday. i stumbled upon someone's blog. a girl, thirtyish, hindi naman kachakahan, mukha namang career-oriented person with a good head on her shoulders, pouring her heart out about her history of unrequited love for, what do you know, Direk himself. sa 31 years daw nyang inilagi sa mundo once pa lang daw sya na-in love, at yun ay si you-know-who. shocking! how silly of me to have thought na walang ibang nakakakita (o nakakita, at makakakita) ng nakikita ko. mapa-lalake man o babae. understandable na ang lalake at bading, pero babae? aba, hindi lang pala ako ang may kakrung-krungan pagdating sa mga bagay na ganito. nang tinanong nya sa blog nya kung bakit lagi syang nahuhulog sa mga taong hindi nya makukuha, kung bakit pinipili nyang pahirapan ang sarili nya in a way na hindi nya sinasadya, para kong naririnig ang sarili ko. letse. akala ko pa naman unique ako. akala ko pa naman maso-solo ko na ang titulo bilang Nag-Iisang Krung-Krung Over Direk. eh medyo nabubuhay pala ako sa sarili kong mundo. friends might say that i have horrible taste when it comes to men but maybe this time around may rason ako para, erm, mabighani. hahahaha.

hay, dyosko.

back to present time. habang binabasa ko ang blog nya, barrage of information ang nangyayari sa barndoors ng utak ko. apart from that, lalo nya kong napapahanga. dahil yung mga entries nya, although written in a conversational manner, sparkling pa rin. sparkling with insight, humor, unassuming sincerity. he writes with such ease, with such natural grace, hindi mo mamamalayan natatawa ka na pala nang malakas, o nauubos na pala ang oras. para san pa't hall-of-famer sya ng p@lanca, sabi ko sa sarili ko, pero beyond the titles and the awards, he was, without question, a real writer. someone who, when he writes, bonds with his readers, draws them in. by being himself. using vernacular language. no pretensions. no affected rhetorics. raw, conversational chika. with a punchline or two seamlessly thrown in, every once in a while.

putcha. i-dissect ba ang writing style ng isang taong malamang eh nagkukwento lang? katawa. stalwart ba kamo? yung mga nabasa ko, taong-tao ang gumawa. isang taong makaka-relate ka, matatawa ka, at malamang eh inclined kang tratuhing kaibigan. may mga writers palang likeable at may rapport sa readers nila. considering na hindi "live" at face-to-face ang komunikasyon between writer and reader, nakakatuwang isipin na posible pala yun.

so nasa punto na siguro ako na parang feeling ko naiinlab na ko sa kanya nang biglang bumulaga sa kin ang ilang, erm, bold confessions tungkol sa kanyang personal life. okay. sparkling, inspired writing pa rin, insightful at nakakatawa. pero nung nagkukwento na sya tungkol sa mga ex-boyfriends nya, at sa mga kung anik-anik pang ka-pechayan na may kinalaman sa kabadingan, natatawa ako na gusto ring maiyak. aray ko, direk, panira ka naman ng ilusyon e. malapit ko nang paniwalain ang sarili ko sa isang imaheng ikaw-na-hindi-ikaw. kahit kababawang crush lang na naturingan eh nakakalungkot din naman pala. ilang buwan nga ba kong nagdaan sa paulit-ulit na cycle ng inspirasyon/disilusyon nung si Frog Princess pa ang pinepedestal ko. masakit yun, kasi sineryoso ko. masakit yun, kasi intense, at dahil nabubuhay ako sa happiness na nakukuha ko sa isang maliit na ilusyon (teka, baka naman hindi sya out-and-out na bading, baka naman may pag-asa, kahit papano...hahahaha ewan ko sa sarili ko!) each time reality would clobber me on the head, i would always be bleeding.

naku, naisip ko. parang ayoko na yatang pagdaananan ang ganon. di bale na lang, hindi ko na ie-encourage ang umuusbong na kabaliwang ito. walong araw ko pa syang makakatrabaho. kelangang maging emotionally stable para magawa ang dapat gawin. at emotionally detached. because the alternative option just might bring me more frustration than inspiration.

wasn't it just hours ago when i'd resolved to go back to loving the unattainable-by-default, because i'd thought it would be emotionally safer? pano yan, ganon din naman yata. magmahal ka ng straight, masasaktan ka. magmahal ka ng bading, masasaktan ka pa rin. wala naman yatang safe sa buhay na to. laging may risks. and most of the time, sa kaso ko, kung hindi ako disappointed, frustrated naman ako. aba, eh pwede bang maging tibo na lang, baka sakaling maiba-iba naman ang storya, baka maging happy ending pa?

aaah! damn nature. men will be men and gays will be gays. and girls like me are doomed to love either of the two. haha. nakakatawang-nakakaiyak. na nakakaloka din, sa totoo lang.

2 comments:

Marlene said...

haiks....

parehas tayo ng sitwasyon neng...

alam mo ba na recently lang eh nabasted ako ng isang bading...

ni hindi ko pa nga siya nililigawan...

Noong HighSchool naman eh nawindang and nahumaling din ang alindog ko sa isang bading...

Ewan ko ba...pero meron talaga silang wala ang mga straight...

para sayo...

isang malaking-malaking goodluck...

nagustuhan ko yung way mo ng pagsusulat...

ahehe

sa susunod ulit...

Anyways..Marlene Here...

saffron_blue said...

salamat marlene! wow ang tagal na ng entry na 'to... may pamilya na ako't lahat, pero alam mo ba? hindi pa rin ako gumagraduate sa pagiging fag hag. haha! yung mga "crushable" para sa akin, it would turn out na bading pala. saklap'no.

pero over the years narealize ko kung bakit ganon. anong meron sa kanila. para sa akin, harmless ang vibes na napippickup ko sa kanila, di katulad halimbawa ng isang straight na barakong lalake. harmless, kasi wala naman silang paki sa yo bilang babae. ako pa naman hate na hate ko ang mga lalakeng babaero at manyak. kaya siguro ako mahilig sa "harmless". haha