masama ang pakiramdam ko. physically. for the past three days i've been waking up to a dull throbbing ache at the back of my head. nung una nawawala naman sya nang kusa sa paghinog ng araw. but lately the dull ache has been manifesting itself throughout the day, if i would move my head a certain way. or linger on a certain thought.
hindi naman sya psychosomatic. cause the pain is real. ewan ko. sometimes pain is all in the mind. like most else. pero natakot ako bigla. kasi naisip ko ring bigla na ayoko pang mamatay. heheh.
i hope the ache goes away, eventually. lahat naman lumilipas di ba. otherwise, ready na kong gumawa ng list of things-to-do-before-i-die. masaya yon. i'll write it here and document the progress, with what little time i'd have left. sampu sa listahang yon ang "good", sampu ang "bad".
awryt.
* * *
masaya-saya rin naman ang araw ko kahapon. kesa nung linggo. o nung sabado. o nung ilang mga nakaraang araw. nag-test shoot kami ng miniature landslide sa isang studio. reenactment of the leyt3 tragedy last december. isang five-time palanc@ winner ang direktor namin. bigatin, ano. and to think na bagets na bagets ang dating nya. crush ko na nga sya e--just the right height, just the right skin color, just the right in-between kind of handsomeness, just the right credentials. kaso bading sya. ehe. tama na. gusto ko na ngang magbagong buhay at lubayan na ang mga malalangsa.
* * *
crisis. i was tempted to use that word. because a point comes when you start asking all these existential/pseudo-existential questions. when everything seems questionable. pero, nah. wag na nating isipin. ang mahalaga alam mo ang gusto mo. at alam mo kung anong gusto mo pang makuha. at kung pano kunin yon.
aksyon. yun na lang ang kulang, girl. aksyon.
* * *
22nd. balik na naman sa dating gawi.
siguro matatapos na kami mag-shoot by first week of october. and by then, pwede ko nang balikan ang gusto kong tapusin. para pwede ko na syang simulan by december. dahil sa december, hindi pwedeng hindi.
kung nasan ang pulso, yun ang sundin mo.
* * *
masakit isipin. na naapektuhan ako. nung nabasa ko yung isang blog ng isang kakilala, kung san naglalabas din sya ng angst tungkol sa isang bagay na kinamumuhian ko talaga sa ngayon. kinamumuhian ko dahil mababaw. ah hindi, hindi ko sya kinamumuhian dahil sa kababawan nya, kundi dahil naturingang mababaw eh nakakasakit pa. bwiset! hindi naman ako binuhay para lang sa mga ganyang bagay. wala namang taong binuhay para lang sa mga ganyang bagay.
"Ang nakakatawa, ipinalabas na ng maraming beses sa pelikula at soap opera ang iba’t ibang posibleng mangyari kapag umibig ka. Hindi ka pa rin matuto. Ang dami ng formula, pero walang makatumbok sa sitwasyon mo. Ano ang problema? Yung hindi sinasabi ang totoong feelings sa taong gusto na hindi akalaing may gusto din pala. Hindi magkaintindihan dahil assume ng assume, o kaya, ayaw mag-assume. Ayaw kulayan ang mga eksena na kaduda-duda. O ang masaklap, ayaw ng isa sa isa. Dito tumutubo ang isang taong dramaserye.
E talagang pagdating diyan, walang saling ketket. Lahat natataya. Minsan kahit kayo na, talo ka pa rin. May mga mang-aagaw, mga mandurugas. Hindi lahat naglalaro ng patas. Hindi lahat ng rules e sinusunod. E hindi pa malinaw ang mga batas. Walang mananalo dito. Pikon, talo. Mahina dumiskarte, talo. Mabagal kumilos, talo. Malabong kausap, talo. Masyadong mabilis, talo. Prangka, talo. Pasensyoso, talo."
para kong naririnig ang sarili ko. but i couldn't have said it better.
hindi lang naman pala ako ang may tendency na mag-gravitate sa mga kababawang ganyan. pero bwiset pa rin. because fluff is supposed to be a pleasant diversion from life's more essential concerns. yun lang dapat ang purpose nya sa buhay ko.
ironic. kasi hindi lahat ng "dapat" sa buhay na to eh natutupad. ang dapat na extra lang sa buhay mo, biglang mapo-promote sa starring role in one crazy long-drawn sequence. unfair. gayong alam mo namang walk-in lang ang role mo sa buhay ng taong to. baka nga wala pang speaking lines. or at best, cameo ka lang. special participation, kumbaga.
hay. lumang storya na e. tama nga yung isang blogger, gasgas na yang plot na yan sa mga teleserye. iniiba-iba lang ang pangalan ng mga characters. think out of the box naman tayo paminsan-minsan, pwede. nakakapurga na e. wag na lang, give up na ko. how can people go against their real nature? hindi yata posible. mas mabuti pang i-accept na lang ang realidad. frogs will always be frogs and princesses will always be princesses. para wala nang sakit ng ulo. para wala nang taong walking-teleserye.
hay. sumasakit na naman ang ulo ko. parang gumagapang na yung kirot mula batok pataas.
No comments:
Post a Comment