Friday, September 08, 2006

nakakainis ang h0meb0y

anubayun. may mga tinamaan ng kidlat at namatay sa negros occidental. and i thought i'd only hear about these things in tall tales. weirdo talaga ng buhay.

tapos sa homeboy puro "crushes" naman ng mga artista ang pinag-uusapan (with matching background music pa ng "i promise you" by some boy band. how nauseatingly late-90s). may mga tanong pa si Tito Boy tulad ng "ano ang pinaka-sweet na nagawa sa inyo ng isang manliligaw" and the like. argh. out-of-season naman ata yang topic, hindi naman valentines. wala na ba kayong ibang maisip?

hay nako. ayoko na namang um-angst mode at manira ng araw ng iba.

mukhang nagka-comeback si Time Capsule #002. couldn't be more timely. maybe this time i'd deal with him with a lot less guardedness, and more trust. kahit hindi ako tuma-tumbling over his seeming return.

ang hirap kasi ng may point of comparison e. hindi mo maramdaman, kahit anupang sweet ang gawin para sa yo. hindi katulad kung gustong-gusto mo yung tao. kahit ngitian ka lang, kahit maki-duet lang sa yo sa videoke habang kinakanta ang favorite mong song, kilig na to the umpth power. halos di ka mapagtulog sa gabi.

bawat detalye kapag kasama sya, naaalala mo. bawat detalye tungkol sa kanya, napapansin mo. pati text messages nya na "hello" o "yup :-)" nanghihinayang ka pang burahin. hay.

tuloy pa rin ang ka-cornyhan sa homeboy. "so hangga't di seryoso at di mo nararamdamang tunay ang pagmamahal ng tao sa yo hindi mo pinapakita?" tanong ni Tito Boy sa isang artista. punyeta. pwedeng patayin na yang tv.

minsan kahit ano pang gawin mong pagmamatigas, in deep, tanga ka pa rin.

2 comments:

zelle said...

had a great laugh reading your post!...oo nga noh bakit kapag gusto mo ang tao...lahat may meaning para sayo kahit sa totoong buhay talagang "hi" lang yun...wala ng iba pa!...

baka na confuse lang si kuya boy akala nya ang ber months prelude to valentines! hehehe

saffron_blue said...

haha. sabagay, ang valentines at pasko, pareho rin naman ang effect sa mga single na tao. gad, spare us. :-)